Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

Businesswoman na kabilang sa most wanted person, 10 pang may kasong kriminal, arestado

Isang matagumpay na operasyon ang naisagawa ng pulisya sa Bulacan matapos maaresto ang isang babae na kabilang sa most wanted person at dalawa pang may kasong kriminal sa lalawigan kamakalawa.

Ayon sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, si Melanie Robles, 40. isang negosyante mula sa Brgy. Balite, Malolos City, ay naaresto ng mga tauhan ng Malolos City Police Station (CPS).

Si Robles ay kinilala bilang Top 7 Provincial Level-Most Wanted Person ng Bulacan at wanted para sa krimeng Lascivious Conduct under Section 5 ng R.A 7610.

Samantalang ang Bulakan at Norzagay MPS ay nagsagawa ng pursuit operations upang mahuli ang mga wanted na kriminal, na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang indibiduwal.

Si Timothy William Domingo ay arestado para krimeng Frustrated Murder, samantalang si Rudy Pequero Jr. ay nadakip para naman sa kasong Robbery.

Gayundin, ang mga operatiba mula sa Bulacan CIDG at Hagonoy, San Rafael, SJDM, Marilao, San Miguel, at Malolos C/MPS ay arestado ang walo pang kriminal na wanted sa iba’t-ibang paglabag sa batas.

Ang pagdakip sa mga akusado ay isinagawa matapos na ang korte ay maglabas ng warrant of arrest laban sa kanila.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …