HATAWAN
ni Ed de Leon
“KAHIT ano pang award ang natanggap mo, kung hindi ka National Artist, basura ka,” ang mabigat na statement ng isang movie writer sa kanyang social media account.
Ano ba iyang National Artist? Iyan ay hindi batayan ng kahit na ano kundi isang political award din.
Ang batayan niyan ay isang proclamation na ginagawa ng presidente ng batay sa rekomendasyon ng CCP at NCCA, dalawang ahensiya na nasa ilalim din ng tanggapan ng pangulo. Kung ayaw sa iyo ng presidente, maghuhumiyaw man silang magaling ka wala rin. Hindi ba on record, si
Nora Aunor mismo dalawang beses na na-reject ng dalawang magkasunod na presidente dahil sa naging kaso niya sa droga sa US noon?
Idineklara nga lang siya ni Presidente Digong Duterte noong paalis na iyon sa
puesto? Paano mong masasabi na basta hindi ka National Artist basura ka? Basura ba sina Gloria Romero, Charito Solis, Carmen Rosales, at Lolita Rodriguez Masasabi mo bang basura sina Mang Dolphy at Chiquitodahil hindi rin sila National Artists? MUkhang mali ang pananaw at kulang sa pag-aaral ang statement na iyon.