Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez Max Collins Kate Valdez

Beauty, Max, Kate sumailalim sa gun training

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGSIMULA nang mag-taping ang upcoming GMA action-comedy series na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis nitong Lunes, May 1.

Sumabak agad sa taping ang mga bida ng serye na sina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Beauty Gonzalez, at iba pang cast members tulad nina Raphael Landicho, Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Angel Leighton, at Diego Llorico.

Sa first day pa lang ng kanilang taping, nakatanggap na agad ng regalo ang child actor na si Raphael mula sa kanyang nanay sa Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis na si Beauty.

Sa Instagram post ni Rap Rap, ibinahagi niya na binigyan siya ng aktres ng Nintendo Switch hybrid video game console na may kasama pang tatlong video game cartridges habang nasa set ng serye.

Hello Nay! thank you po sa first day gift tapingDescription: 🥰 super happy ko poDescription: ❤️ #mamasboy #Happy1stDay #walangmatigasnapulissamatiniknamisis #soonongma,” sulat ni Raphael.

Biniro naman ni Beauty si Raphael na isa itong pang-bribe. “Basta ‘pag nakita mo si Papa May kausap ibang chicks report mo kaagad sa akin anak ha,” komento ng aktres sa post ng child star na parte rin ng Voltes V: Legacy.

Bibida rin sa Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis si Max Collins.

Parte rin ng bagong serye sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Ronnie Ricketts, ER Ejercito, at Dennis Marasigan.

Samantala, kamakailan ay sumailalim ang ilang cast members nito sa isang gun training, na tinuruan sila ng PNP Special Action Force ng tamang paggamit ng firearm at sumabak din sa gun firing, bilang paghahanda para sa kanilang mga karakter sa nasabing programa.

Ito rin ay preparasyon para sa mga maaksiyong eksena na mapapanood sa upcoming Kapuso series.

Kabilang sa mga sumailalim sa gun training sina Beauty, Max, Kate, Kelvin, Angel Leighton, at Niño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …