REALITY BITES
ni Dominic Rea
BASHING ang inabot ni Gigi De Lana pagkatapos amining she’ll undergo treatments para sa nakitang nodules sa kanyang lalamunan. Imbes na kaawaan ang sikat na female singer ay bashing pa ang inabot niya sa ilang netizens na nagsasabing birit daw kasi ng birit ang singer kaya ‘yan ang napala.
Kilala kasing maganda ang kalidad ng boses ni Gigi at mahusay talagang kumanta.
Ayon kay Gigi, hindi niya alam kung after ng treatment ay ganoon pa rin ang magiging boses niya.
Naku! Buti na lang hindi naging noodles ang nakitang sakit sa lalamunan ni Gigi kundi iba-bash na naman siya at sasabihang palakain kasi ng noodles. Kakaloka ‘di ba.