HATAWAN
ni Ed de Leon
HONESTLY tuwang-tuwa kami nang mapanood ang movie ng Voltes V. Hindi lang naibalik niyon sa aming alaala ang panahon ng aming kabataan, pero nakatutuwa na iyon ay ginawang lahat ng mga Filipino artist at maganda ang opticals nila ha. Iyang ganyang mga anime, nakasalalay iyan sa husay ng mga cartoonist na gumagawa ng material para sa opticals ng pelikula.
Kung palpak ang artists, palpak din ang opticals niyan. Pero iyong anime nila, lalo na iyong Voltes V robot sa pelikula, napakaganda, at siguro nga dapat nating ikatuwa ang pelikulang iyan. Hindi namin iniisip noong panahon ng Voltes V na ang mga Filipino ay makagagawa ng ganyan.
Noon ang paniwala, Japan lang at Hongkong ang makagagawa niyan sa Asya. Sila lang kasi ang may facilities noon para sa isang anime. Rito sa atin camera trick pa
lamang ang nagagawa. Malayo tayo sa kanila talaga technically, pero ngayon nakahabol na tayo at kaya na nating pumantay.
Ibig sabihin malapit na ang araw na makagagawa na tayo ng mga pelikulang gaya ng mga action movie na kagaya ng ginagawa ng Marvel. Lumalaki na ang
chances natin para mas mapalawak ang market para sa ating mga pelikula.
Isang malaking hakbang iyan para maisulong ang industriya ng ating pelikula. Hindi naman tayo makasusulong talaga kung ang aasahan natin ay local market lang. Pero mali ang attempts noong nakaraan na parang mga sex film ang ating ginagawa at dinadala sa mga festival sa abroad.
Kaya ang naging image natin ay gumagawa lang ng mga low quality sex films.