OPEN secret na para sa isang dating aspiring male star ng isang tv network ang kanyang hanapbuahy sa ngayon. Inaamin niyang pumapatol na siya sa mga bading, basta tama ang presyo at kabilang daw sa kanyang regular client ang isang gay tv host at isang may edad na ring matinee idol.
Ipinagyayabang pa niyang mas malaki ang kita niya sa kanyang propesyon ngayon kaysa noong nag-aartista siya. Dahil wala namang name, binabayaran daw siya ng P15K sa isang taping na minsan inaabot ng maghapon at magdamag. Babawasan pa iyon ng porsiyente ng kanyang manager at mga talent coordinator na kumukuha sa kanya. Eh sa kanyang ginagawa ngayon, iyon daw P15 o P20K, kikitain niya sa sandaling date lamang.
Hindi niya inisip ang peligrong magkasakit siya dahil sa kanyang ginagawa, lalo na nga’t inamin niyang ayaw ng safe sex, o iyong gumagamit ng condom lalo na sa mga foreigner.
Eh ano ang aasahan ninyo kung ganyan. Inamin din niyang naging alcoholic siya para magawa niya ang ginagawa niya kasama ang kanyang mga “guest.” Anong buhay na nga ba ang tinatahak niya?