Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Voltes V Legacy

Voltes V: Legacy extended sa mga sinehan

RATED R
ni Rommel Gonzales

APRUB ng buong sambayanan ang Voltes V Legacy: The Cinematic Experience! and due to popular demand, extended ang showing nito sa ilang piling sinehan.

Mapapanood hanggang May 2 in selected SM Cinemas ang pasilip sa unang tatlong linggo nito bago ito ipalabas sa GMA Telebabad sa May 8.

Tuwang-tuwa naman ang fans dahil may chance pa silang makita ang special edit ng serye sa sinehan. Ayon sa ilang netizens sa Facebook page ng Voltes V: Legacy, “It is a huge leap to Philippine visual effects, so yes may time pa for cinematic experience bago masubaybayan sa TV! Nice naman! ‘Yung parang tinatamad ka bumangon pero nung nabalitaan mong extended, biglang talon ka sa tuwa!! Yesss!! Buti na-extend, may chance pa akong manood!”

Tuloy-tuloy din ang papuri mula sa mga nakapanood na ng Voltes V: Legacy. Komento ng ilan, “Had the chance of watching it in cinema! And to everyone wondering if this is worth to watch on the big screen, Voltes V really raised the bar! I watched the anime version before watching #VoltesVLegacy & it didn’t disappoint! Panalo ang cinematography. Talagang kitang-kita mong pinaghandaan. Sulit ang bayad sa sinehan!”

Isa pang pasabog nito, spotted sa Tokyo, Japan ang balita tungkol sa naturang upcoming megaserye ng GMA.

Sa Instagram post ni Direk Mark Reyes, makikita ang screen sa isang train sa Japan na inilabas ang poster at news tungkol sa live-action adaptation ng Kapuso Network.

Dahil diyan, feeling grateful si Direk Mark at tinawag itong priceless moment. “When your movie is appreciated in the motherland of #anime,” saad ni Direk Mark sa kanyang caption.

Talaga namang #ProudToBePinoy at excited na ang lahat para sa nalalapit na world premiere ng Voltes V: Legacy. Abangan ‘yan sa GMA Telebabad this May 8 na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …