I-FLEX
ni Jun Nardo
NASOBRAHAN yata ang botox ng isang senior actor sa mukha kaya naman wala nang masyadong emosyong nakikita sa kanya tuwing umaarte.
Eh matagal ding hindi napapanood sa regular TV series ang aktor, kaya naman nang bumulaga sa isang series, ang kawalang emosyon sa mukha ang napansin kahit na nga humihingi ng emosyon ang eksena niya.
May edad na rin ang aktor. Kahit sinasabing baby face siya, dumating din ang puntong nakikita na sa mukha niya ang kulubot’t sa mukha.
Paminsan-minsan kasi eh, nabibigyan pa rin ng lead roles ang aktor kaya nagpabanat man siya nang magpabanat ng mukha, ang kawalan naman ng emosyon sa madadramang eksena ang napapansin ng manonood, huh!