Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are Ani

Pelikulang Ani, tribute sa mga magsasaka ni Direk Tonz Are

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TATAMPUKAN ng award-winning indie actor na si Tonz Llander Are ang pelikulang Ani na mula sa Daydreamer Entertainment Production.

Actually, hindi lang bida si Tonz dito, siya rin kasi ang sumulat at nagdirek ng naturang pelikula.

Nagkuwento si Direk Tonz ng ilang bagay sa kanilang pelikula.

Aniya, “Ang pelikulang Ani ay istorya ng isang pamilya na ang ikinabubuhay lamang nila ay ang kanilang lupang pagmamay-ari, ang kanilang lupang sakahan. Ginawa ko itong film na ito dahil nakaka-relate ako sa istorya dahil sa totoong buhay noon, ito ang bumuhay sa amin, ang mag-harvest ng palay or maggapas ng palay.

“Ako po ang lead dito at si Betty na ginampanan ni Abegail Hernandez. Wife ko rito si Abegail na  finalist ng Sexy Babe sa Its Showtime at eight ang anak namin dito.”

Aniya pa, “Kasama ko sa pelikula ang aking mga Daydreamer babies at Daydreamer Entertainment Production.”

Bakit Ani ang titulo ng pelikula?

Esplika ni Tonz, “Ani ang title na naisipan ko kasi about ito sa isang magsasaka na si Allan at relate na relate ako sa character niya dahil sa totoong buhay ay naranasan ko sa probinsiya ang maggapas ng palay or harvest. Naranasan ko kung ano ang naranasan ng character ni Allan na ako din po ang gumanap.

“Makikita sa pelikula ang isang butihin, responaible, at mapagmahal na padre de pamilya na sinikap itaguyod ang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka sa sariling lupain.

“Actually, tribute ko po ito sa mga magsasaka natin, dahil sabi ko nga, naranasan ko sa totoong buhay ang maging magsasaka at alam naman natin kung gaano sila kahalaga sa ating lipunan.”

Bukod kina Tonz at Abegail, tampok din sa pelikula sina Nicolle Ulang, Jhana Villarin, Prince Rae Dantes, Gabriel khail Fragada, Don Sandino Asuzano, Ghan Belarmino, Clarence Fragada, Bien Bondal, Fiona Ulang, Jhon Paul Nierves, Edrain Yee Celino , JR Celino, Azhyl Melezandre, Jesu Palentinos, Hanna Rie, Angelyn Cequeña, Christian Escudero, Cheng Agapay, at Antonio Rubianes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …