Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Elle Villanueva Kristoffer Martin

Derrick nagayuma ng isang kaibigan 

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAKAIBA ang istorya ng Magpakailanman ngayong Sabado dahil isang lalaki ang manggagayuma ng mag-asawa.

Si Derrick Monasterio ay si Elmer, isang magsasaka na mapapasailalim sa gayuma ng katrabaho niya.

“It’s unique,” kuwento ni Derrick. “Kakaiba siya kasi ‘yung story niya, ginayuma. Siyempre hindi pa naman ako ginagayuma in person so para rin talaga akong na-immerse sa mga albularyo. Iba rin talaga ‘yung mga effect, goosebump.”

Si Elle Villanueva naman ay si Dessa, asawa ni Elmer na maaapektuhan din ng gayuma.

“Noong una na-challenge talaga ako kasi ‘yung paggagayuma, medyo bago siya sa akin. Doon ako nag-research about the story and the character. And ‘yung pagiging gender fluid, ang daming factors kung paano mo ilalaro ‘yung role na ‘to,” kuwento naman ni Elle.

Si Kristoffer Martin naman ang gaganap bilang si Raul, ang lalaking manggagayuma kina Elmer at Dessa.

Na-excite lang ako roon sa thought na parang mastermind ako rito, parang may lihim siya sa loob. The fact na true to life ‘to, may ganito talagang naganap, mas nakaka-excite siyang gawin,” pagbabahagi naman ni Kristoffer.

Makakawala ba sina Elmer at Dessa mula sa gayuma ni Raul? Paano nito maaapektuhan ang relasyon nila bilang mag-asawa?

Abangan ang kakaibang kuwentong ‘yan sa brand new episode na Mag-asawa, Ginayuma, April 29, 8:00 p.m.sa #MPK sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …