Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Loser-1 Suckers- 0

Ara nalilinya sa paggawa ng horror

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG beses gumanap ni Ara Mina bilang isang bampira sa pelikulang Loser-1 Suckers- 0.

“Ang hirap magsalita, ang ganda ng ngipin, ‘yung pangil,” pagbibiro ni Ara tungkol sa kanyang vampire prosthetics. “Pero sa tagal ko sa industry ngayon lang ako naging vampire kasi naging taong ibon na ako, naging sirena na ako, so ngayon vampire.”

Gumanap sa GMA bilang taong-ibon, si Vultra sa Mulawin noong 2004 si Ara at bilang sirenang si Dyesebel naman sa Darna ni Angel Locsin noong 2005.

Na-excite ako noong sinabing vampire ako kasi talagang nanood ako before ng ‘Interview With The Vampire.’”

Pelikula tungkol sa mga bampira ang Interview With The Vampire na pinagbidahan nina Tom Cruise at Brad Pittnoong 1994.

So iyon, nakaka-chalenge and siyempre nakatutuwa dahil parang ako ang pinaka-ate ng mga nandito sa cast ‘di ba and it’s a nice movie and it’s my first time to work with direk Niokz.”

Samantala, “bininyagan” (pagdating sa acting) ni Ara ang apat na mga baguhang bida na kasama niya sa pelikula na streaming ngayon sa AQ Prime app.

Ang nasabing mga baguhan ay sina Jayden Bravo, Khiester Bernardino, Charles Temones, at Bench Manalon.

Well, ako naman talagang nakatutuwa kasi ‘yung mga baguhan very supportive naman ako sa kanila and lalo na noong first time na na-meet ko sila.

“At first naiilang sila pero I see to it na maging komportable sila sa akin para hindi sila mailang.

“And I give some tips… kasi hindi naman kami masyadong matagal magkasama sa shooting and iyon, sabi ko basta kakayanin naman nila ‘yan.

“And napanood naman natin talagang they have the potential pagdating sa akting.

“At saka actually normal na normal nga ‘yung acting nila eh, hindi ‘yung talagang masasabi mong inakting.”

Samantala, mukhang sunod-sunod ang paggawa ni Ara ng pelikula, katatapos lamang  niya ng pelikulang kasama si Ai Ai delas Alas at may isa pa rin sa AQ Prime, ang Katok na isa ring horror film.

“Actually parang nalilinya ako sa horror kasi I’m doing another one also, ‘yung ‘Poon’ with Janice de Belen, Lotlot de Leon, Jaclyn Jose, with direk Adolf [Alix, Jr.]”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …