ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PANGUNGUNAHAN ng magandang Kapuso aktres na si Arra San Agustin bilang Reyna Elena ang Santacruzan sa Binangonan, Rizal.
Ang bayan ng Binangonan ay isa sa itinuturing na mayaman sa kultura at tradisyon. Isang kaugaliang kinalimutan ng mga taga-Binangonan ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid, na kung saan matatagpuan ang kalbaryo na lalong pinaayos at pinaganda.
Ito ay nagsisilbing pasyalan, mga local at dayuhang turista ang nagsasadya rito para sa siyam na araw ng panalangin (lutrina) bilang parangal sa krus. Ang nasabing okasyon ay alay sa Pista ng Krus.
Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga Kastila sa bansa at dahil naging bahagi ng tradisyong Pinoy, ito ay may temang “Kabataan, Pag-ibig at Pasasalamat.”
Sa gaganaping pagdiriwang sa Mayo 7, 2023 sa ganap ng 7:00 ng gabi, kapapalooban din ang nasabing okasyon ng Grand Santacruzan. Tampok dito si Arra na lumalabas sa Urduja at Happy Together ng GMA-7 katambal ni John Lloyd Cruz.
Sina Raphael Landicho na gumaganap sa Voltes V bilang Haring Konstantino at Randel Amos Ynares, miyembro ng Binangonan Lakehounds Basketball Team, ang mga konsorte ni Arra.
Ayon sa Event Consultant na si Gomer Celestial, gagamitin ni Arra ang gown na likha ni Eboy Visande at Michael Ponce para kay Raphael.
Panata ang turing sa Santacruzan ayon kina Brgy. Chairman Gil “Aga” Anore at Kagawad Jennelyn Villegas, chairman on Education, Culture and Tourism.
Magbibigay kulay din sa pagdiriwang sina Jamie Margaret M. Lagarejos bilang Reyna Elena I at Catherine Ojeda, Reyna Emperatriz. Sa gabi ng pagdiriwang ay pipili rin ng magiging Reyna ng Santacruzan 2023.