Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ed de Leon

Ang aming pagbabalik matapos ma-stroke

HATAWAN
ni Ed de Leon

WE’RE back at maaari bang sa aming pagbabalik ay hindi mauuna sa Hataw. Ewan pero iba na ang pagmamahal namin sa diyaryong ito kahit na noon pa. Hindi dahil sa malaking bayad kundi dahil sa pagmamalasakit sa aming lahat ni Boss Jerry Yap kahit na noong araw pa. Nawala si boss Jerry na ewan nga ba kung bakit napakaagang pinagpahinga ng  DIYOS. Pero nawala man si Boss Jerry, nanatili ang iminulat niyang pagmamalasakit para sa lahat ng kasama. Iyan ang nakita namin sa aming editor na si Maricris Nicasio. Hindi nila kami iniwan sa ospital noong ma-stroke kami bago mag-Holyweek.

Ewan kung maniniwala kayo pero para sa amin higit na mahalaga iyon kaysa malaking bayad na iniaalok ng ibang diyaryo. Natandaan namin ang isa naming kasama na na-stroke rin sa mismong office pa nila dahil sa matinding pagod. Isinugod nga siya sa isang malapit na ospital ng mga kasama niya na noon na rin niya huling nakita. Hindi na siya binalikan pa pagkatapos niyon at hanggang sa mamatay siya tila hindi na naalala na siya nga pala ay kasama nila. Mabuti may isang Cristy Fermin na tumulong pa sa kanya noon. Kami nagpapasalamat kami sa Diyos, una may mga mabubuti kaming kaibigang mabilis na dumamay sa amin Hindi namin kailangang manawagan ng tulong sa aming column o sa Facebook kagaya ng karaniwang nakikita namin. Ang mga kaibigan ay isa-isa isang nagdatingan, at kahit na iyong hindi mo inaaasahan, nariyan pa rin pala. May isa pa ngang panay ang hingi ng paumanhin dahil dumaing siyang ang dala ay isang piling na saging. Kung alam lang niya ang laki ng kasiyahang dala ng isang piling na saging na iyon, na kung hindi nga lang mabubulok, hindi na namin kakainin at itatago bang alaala ng isang mabuting kaibigan.

Kapag nagkakasakit kami, hindi kami nalulungkot dahil iyon ay isang daan para muli naming madama ang pag-ibig ng Diyos na siyang nagpapagaling. Ikalawa, sa ganoong gipit na kalagayan makikilala mo kung sino ang tunay mong kaibigan. Diyan makikita mong may mga kaibigan kang masayang kasama. May mga kaibigan ka rin namang dapat mong mahalin. Iyan ang mga bagay na hindi pa nararanasan ng mga hindi pa nakadadama ng ganoong kalagayan. Makikilala mo ang mga kaibigan mong nagmamahal sa iyo, hindi iyonng panay lang ang lagay ng ‘Heart icon´sa mga post sa Facebook. Ang pagmamahal, wala sa social media iyan. Damdamin iyan.

Anyway nakabalik na kami sa Hataw, at para sa amin tama na iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …