Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiana Kocher 2

Anak ni Katrina Enrile na si Tiana Kocher okey lang maikompara kina Cris at Rafa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO ang apo ni dating Sen Juan Ponce Enrile at anak ng negosyanteng si Katrina Ponce Enrile na si Tiana Kocher na alam niyang maikokompara siya sa lola niyang si Armida Siguion-Reyna at mga pinsang sina Cris Villonco at Rafa Siguion Reyna ngayong pinasok na rin niya ang pagkanta.

Ani Tiana, “It’s like a given but absolutely I love and respect what they do and that’s some thing that I also look up to.A lot of them have classical and musical training.I do, too.But in terms of my training, it’s very RnB and pop.It’s a very different genre but I can also learn a lot of them.”

Hindi rin ikinaila ng internationally acclaimed indie pop at RnB artist na gusto niyang makilala at magkapangalan din sa local music industry.

“Yeah, I’ve always been back and forth.It just so happened that I’m home now for my single release. So I said, why not make it a big thing and show to the American market that there are competitors in the Philippines.That there’s a lot of talents that we could also show in the US and the Philippine market,” sabi ni Tiana sa isinagawang media conference noong Biyernes sa Delimondo Cafe sa Makati.

Ang pagpasok ni Tiana sa industriya ay suportado ng kanyag pamilya at kitang-kita namin iyon sa naging paglulunsad sa kanya at sa single niya noong ipakilala siya sa entertainment press. Naroon ang kanyang inang si Katrina gayundin ang ilang kapamilya at mga kaibigan.

Natanong naman si Tiana kung sino ang gusto niyang maka-collab at sinabi niyang si Kin Valenciano, anak ni Gary V.

Katwiran niya  pareho sila ng interes pagdating sa pop at RnB.

Pop at RnB man ang musika ni Tiana, interesado siyang pag-aralan ang musikang pinasikat ng kanyang Lola Midz, ang kundiman. 

Ang debut single niyang Just My Type ay nasa top 40 Indie Chart samantalang ang sumunod niyang kantang Paint The Town at Swing Batter ay ginamit sa Ciroc commercial para sa Hollywood movie na What Men Want. 

Ang awitin niyang U Tried It ay prodyus ng 4-time Grammy nominated record producer na si RoccStar. Noong Abril 2020, nakipag-partner din siya sa TikTok para sa kanyang  Don’t Trip challenge na nakalikom ng pondo para sa Philippine at American Red Cross.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …