Sunday , December 22 2024
Alisah Bonaobra

Alisah Bonaobra may bagong version ng Hanggang Kailan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGKAIBA man ang version nina Alisah Bonaobra at Angeline Quinto sa awiting Hanggang Kailangan, nakatitiyak kaming pagkokomparahin ang dalawa. Kung sino ang may magandang version, nasa mga makikinig na ang kasagutan.

Pero hindi makukuwestiyon ang galing ni Angeline sa pagkakanta ng Hanggang Kailan na finalist sa Himig Handog Pinoy Pop Love Songs noong 2014.

Sa mediacon ni Alisah noong Biyernes na ginanap sa Pandan Asian Cafe sa Tomas Morato, QC kinanta nito ang kanyang bersiyon ng Hanggang Kailan at mahusay din ang kanyang pagkakakanta. 

Iri-release ni Alisah ang composer’s cut ng Hanggang Kailan.

“We recorded the track for 6 hours with Joel Mendoza as my vocal couch. Sir Joel’s intense body language while we were in the studio all pointed to achieving what’s best for our version,” anito

Si Alisah ay runner-up sa The Voice of the Philippines noong 2014 at naging contestant din sa X Factor UK.

Sa mediacon ay natanong ang composer ng Hanggang Kailan na si Joel Mendoza  kung paano niya ire-rate ang bersiyon ni Alisah sa bersyon ni Angeline.

Anang composer, “Angeline’s version will always be Angeline’s. Angeline is Angeline. And Alisah’s version is Alisah’s. The performance and the puso, and the extent of intensity na sinabi ni Klarisse (de Guzman) sa akin for ‘Sana’y Tumibok Muli,’ ibinigay ko at ibinigay din ni Alisah sa akin.”

At kung  ire-rate niya ang bersyon ni Alisah ng 1-10, 15  ang ibibigay niya.

“But they’re equally both good. Angeline is Angeline and Alisah has her own powers and strength in her own interpretation,” sabi pa ni Joel.

Ini-record ni Alisah ang kanyang Hanggang Kailan sa Wild Grass Studio sa Quezon City at ito’y ipinrodyus ng San Francisco based, ang RJA Productions at ipamamahagi ng Star Music PH.

Matagal nang nagri-release ng digital single si Alisah simula nang ang kanyang manager na si Rosabella jao-Arribas ay lumipad mula US para personal na pamahalaan ang kanyang career.

Ang orihinal na awitin ni Alisah na isinulat ni Cecile Azarcon kasama ang version niya sa Ikaw Ang Lahat sa Akin ay nagpapakita ng kanyang wide vocal range amiable style.

How lucky I am to be an artist of RJA that every opportunity I’m given is a blessing I want to share to the listening public,” sambit pa ni Alisah.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …