I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG tatanggalin sa Dabarkads ng Eat Bulaga!
Galing ang pahayag na ito mula kay Bullet Jalosjos na anak ng main man ng Bulaga na si Romy Jalosjos nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda.
So, stay sina Tito, Vic and Joey pati na si Maine Mendoza na natsismis na isa sa tatanggalin.
Pero ang target na maging director na si Louei Ignacio, iwas na iwas magsalita sa press kung siya ang kukunin na director.
Tinarget daw pabalikin sa noontime show ang retired executive ng Bulaga na si Malou Choa Fagar. Pero ayon sa aming source eh hindi tinanggap ni MCF ang offer na bumalik siya sa show.
Sa pahayag ni Bullet, matapos na kaya ang ugong na sibakan sa Bulaga? Sa host, baka mawala na pero sa production people? That remains to be seen, huh!