Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Fontanilla John Lloyd Cruz

Ejay Fontanilla, wish makatrabaho lagi ang idol na si John Lloyd Cruz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TUMANGGAP ng award recently si Ejay Fontanilla sa 6th Philippine Empowered Men & Women 2023 held at Teatrino Promenade.

Nakahuntahan namin si Ejay at ito ang naikuwento niya sa amin.

Aniya, “Ni-recognize ako as one of the Promising Young Actor sa 6th Philippine Empowered Men & Women 2023. Kasama rin dito ang isa pang Viva artist na si Chariz Po, sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Will Ashley, Jeff Moses as Empowered Teen Star ng Sparkle Artist.

“Pati po sina Jayda, Devon Seron… kasama rin at mayroon pang Lifetime Achievement Award, Best Brand, etcetera. Kaya thankful for Sir Richard Hinola sa aking award.”

Nagbigay pa siya ng reaction sa award na nakuha.

Sambit ni Ejay, “Ang saya, sobrang saya, lalo na nang hawak ko na ang award sa stage at makita ang mga tao na naniniwala sa akin. Kitang-kita sa stage na ang bungisngis ko, kasi ang saya ko.”

Ano ang latest news sa kanya? “Ngayon ay may taping ako sa isang show, pero hindi ko pa po puwede i-reveal, hehehe.

“Wish ko na maging regular ako sa isang TV show. Pero focus ako ngayon sa Viva, full time,” sambit pa ni Ejay.

As an actor ba iyan o plano niyang mag-manage na rin ng talents?

“As an actor, pero plan ko soon ay magtayo ng sariling talent agency. Nakaka-miss ang mag-workshop. Iyong tuturuan mo ang mga aspiring actors,” wika pa niya.

Sakaling magkakaroon siya ng TV show, ano ang gusto niya, drama, comedy, or sitcom? At sinong aktor ang gusto niyang makatrabaho?

Pahayag ni Ejay, “If mabigyan ako ng chance, siyempre comedy ang gusto ko and sitcom first in the line, kasi parang natural sa akin yung pagiging comedian and may sense of humor ako. Hahaha! Pero mas nacha-challenge ako sa drama.

“Si John Lloyd (Cruz) ang gusto kong maka-work, if bibigyan ako ng chance. Idol ko kasi talaga siya, since nagsimula ako sa showbiz. And naka-work ko na rin siya ng ilang beses na, sa Isang TVC at sa Home Sweetie Home.

“Magaling si Lloydie sa drama at comedy… kumbaga versatile talaga siya at masarap ka-work. Plus, gustong-gusto ko yung mga mata niya, nangugusap, eh.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …