RATED R
ni Rommel Gonzales
MATINDING excitement na ang nadarama ni Carla Abellana dahil ipalalabas na ang Voltes V: Legacy sa telebisyon sa May 8, bukod pa sa The Cinematic Experience na mapapanood ang special edit ng unang tatlong linggo nito sa mga SM Cinema simula kahapon, April 19.
Base sa hit anime series ng Japan na ipinalabas dito sa Pilipinas noong May 1978, alam ng publiko, lalo na ng avid fans ng serye na hindi ganoon kahaba ang naging parte ni Mary Ann Armstrong sa kuwento ni Voltes V.
Ayos lang kay Carla na gaganap bilang Mary Ann ito. Hindi siya malungkot na hindi siya mapapanood sa buong pag-ere ng anime sa GMA Network.
“Naku wala pong lungkot whatsoever! In fact, para po sa akin more than enough na po ‘yun na in terms of ‘yung time and exposure, parang ganoon po, aware naman po ang lahat most especially ‘yung fans ng ‘Voltes V’ doon sa role na Mary Ann Armstrong.
“Hindi naman po secret ‘yan, ‘yung kanyang appearance, ‘yung exposure po niya and kung ano ‘yung nangyari sa character ni Mary Ann Armstrong.
“So ako po hindi po, grabe sobrang hindi po, hindi po ako nabitin, mabilis kung tutuusin po ‘yung role pero hindi ko po naramdaman ‘yun in terms of ‘yung sa taping, sa aking pagiging part po ng production. Hindi ko naramdaman ‘yun kasi ilang buwan din po akong… actually one year, one year din akong naging part ng production, spread out po talaga siya.
“So kung maikli man po ‘yung exposure ni Mary Ann Armstrong onscreen, eh ‘yung behind-the-scenes hindi po, kaya wala pong bitin-bitin, wala pong ganoon.
“So sobrang na-enjoy ko po ‘yung buong proseso.”
Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortegabilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landichobilang Little Jon.