Sunday , December 22 2024
Cindy Miranda JM De Guzman 2

Cindy Miranda epektibo ang pagpapatawa

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPANOOD din namin, sa red carpet premiere rin, Ang Adik Sa ‘Yo ng Viva Films.

Wholesome ang pelikulang pinagbibidahan nina JM de Guzman at Cindy Miranda although may tema ito ng droga.

Kitang-kita sa screen ang maturity ng pisikal na kaanyuan ni JM na lalong nakadagdag sa yumminess niya, bukod pa nga ang ilang beses niyang eksenang wala siyang suot na pang-itaas, kita ang kanyang katawang walang bilbil at may mga tattoo.

Katulad sa mga nakaraan

niyang pelikula, ipinamalas ni JM ang husay niya bilang aktor, at kahit hindi sinasadya, nandoon pa rin ang pagpapakilig ni JM sa kanyang mga female and gay fans.

Panay nga ang tilian sa loob ng Cinema 2 

ng mga gay fan ni JM lalo na kapag shirtless scenes na niya ang nasa screen. 

Karamihan sa kanila ang pumuno sa Cinema 2 ng Megamall making the premiere a success.

Nagulat kami kay Cindy dahil kaya niyang magpatawa onscreen sa unahang bahagi ng pelikula at magpaiyak sa bandang huli.

At muli na naman naming napansin ang malaking pagkakahawig nina Cindy at Sanya Lopez.

At si Candy Pangilinan, komedyana pero nagdrama siya sa pelikula, at naitawid naman niya.

Happy di  kami na mapanood sa Adik Sa ‘Yo ang Facebook friend naming hunk actor na si Mike Liwag although medyo hindi kami happy dahil walang hubad na eksena siya sa pelikula.

Sa direksiyon ni Nuel Naval, palabas na ngayon sa mga sinehan ang Adik Sa ‘Yo.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …