Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Julia Montes Irene Emma Villamor

Julia, Alden kapwa excited sa pagsasama sa Five Break-Ups And A Romance

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKAKILIG naman ang tinuran ni Alden Richards ukol sa pagsasama nila ni Julia Montes sa isang pelikula, ang Five Break-Ups And A Romance. Ito ay isinulat at ididirehe ni Irene Emma Villamor, ang utak sa likod ng mga pelikulang Sid & Aya, Meet Me in St. Gallen, On Vodka, Beers, and Regrets, at Ulan.

Ani RichardNa-excite ako to be paired with Julia. Isa siya sa mga leading ladies so far, by far, na unang meeting pa lang, wala nang pretensions. Naramdaman mo na ‘yung sincerity.”

Na sinagot naman ito ni Julia ng, “Why Alden Richards is Alden Richards. Ngayon alam ko na. Nagulat ako, hindi na ako magkukunwari. I’m honored and happy to work with him.”

O ‘di ba?! Purihan pa lang sa isa’t isa may kilig na agad! Pareho kasing maganda at gwapo dagdag pa na mahuhusay umarte kaya for sure napakaganda ng kalalabasan ng pelikulang ito.

Kahit nga si Direk Irene ay aminadong magagaling ang dalawa at talagang committed sa kani-kanilang craft. Kaya naman very much willing siyang makatrabaho ang dalawa gayundin ng kanyang buong production team para mabigyang buhay ang istoryang ihahatid nila.  

Kaya sa fans nina Alden at Julia, makatitiyak kayong ibibigay ng dalawa ang lahat para makapaghatid ng magandang panoorin.

Hindi rin itinago ni direk Irene ang excitement sa pakikipagtrabaho sa dalawa lalo’t may natural chemistry ang mga ito at talaga namang magagaling umarte.

We have done just one reading pa lang at sobrang dami na namin nai-discuss about the concept so, nakae-excite makita paano nila bubuhayin ‘yung mga character sa script,” sambit ni Direk Irene.

Ang Five Break-Ups And A Romance ay isang romantic-drama film na layuning mai-elevate ang traditional Filipino romance genre sa bago at mas mature na level. Tatalakayin sa pelikula ang mga complexities ng romance at relationships sa modern era. Ang gleaming skyscrapers ng Singapore at Manila’s Bonifacio Global City ang magsisilbing backdrop ng modern love story.

AngFive Break-Ups And A Romance ay handog ng CS Studios (na pinamumunuan

ng Cornerstone Entertainment President nitong si Erickson Raymundo), kasama ang GMA Pictures (na nasa direction nina GMA Films President Atty. Annette Gozon-Valdes at GMA First Vice President for Program Management Joey Abacan), at Myriad (produksiyon ni Alden Richards). Project consultant naman si dating Star Cinema Managing Director Malou N. Santos.

Naku ngayon pa lang nakikini-kinita ko nang marami ang excited na mapanood ang pagsasamang ito nina Alden at Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …