I-FLEX
ni Jun Nardo
DINUMIHAN si Ken Chan sa ipalalabas na movie niyang Papa Mascot under Wide International.
This time, normal na tao ang role ni Ken pero nakakaawa siya. Kailangang mapanood ninyo ito mula simula para malaman kung bakit nagkaganoon ang character niya.
Grabe ang direksiyon ni Louie Ignacio, huh! Very Joel Lamangan ang ambience sa kabuuan lalo na’t kinunan ito sa mga tao sa tabi ng riles ng tren na maraming bed elements na nambibiktima sa mga less fortunate in life.
Magaling din ang batang lumabas na anak ni Ken pati na ang support gaya nina Gabby Eigenmann at Liza Dino Seguerra.