Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez Norman Crisologo

Asawa ni Beauty ikinagulat pag-viral ng kanyang ‘flower’   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IDEA pala ni Beauty Gonzales ang pinag-uusapang sexy pictorial nito kamakailan. Ito iyong naka-two-piece bikini ang aktres na may hawak na bulaklak.

Sa launching ng bagong endorsement ni Beauty kamakailan, ang Hey Pretty Skin, natanong ito ukol sa viral post niya sa Instagram na naka-two piece bikini na kulay pink habang ang hawak ang pink roses sa kanang bahagi ng kanyang mukha at ang isang bungkos naman ay nasa ibabang bahagi ng tumatakip sa kanyang harapan (private area).

Ani Beauty, may go signal ng kanyang asawang si Norman Crisologo ang naturang pictorial. 

Sinabi rin nitong suhestiyon niya ang team ng photoshoot at natutuwa siyang maraming netizens ang nagkagusto at pumuri.

“It was my idea. I was like, ‘What ‘am I gonna do with these flowers? Okay, I’ll put a flower here (sa ulo at mukha) and a flower there (private part).’ I don’t know. Natawa ako roon,” natatawang kuwento ni Beauty sa mediacon ng bago niyang endorsement, ang Hey Pretty Skin.

Naibahagi rin ni Beauty ang naging usapan nilang mag-asawa ukol sa naturang pictorial. 

“Well, sabi ko, ‘Baby, my flower went viral.’ Sabi niya, ‘What do you mean? What flower are you talking about?’ Sabi ko, ‘Not my flower, flower, hello! I’m talking about the flower photo!’” natatawang tsika ng aktres.

Super proud pang sinabi ni Beauty na napakasuwerte niya sa kanyang mister dahil bukod sa mabait at responsable, napaka-supportive rin nito sa lahat ng kanyang proyekto.

“My husband is very funny at the same time hindi naman siya ‘yung tipo ng lalaki na seryoso. He’s very open and kind. Actually he was the one who insisted me to post that photo ’cause he really likes it.

“Ako nahiya ako mag-post ng sexy photos pero kapag sinabi na ng asawa ko mag-post, siyempre, post naman ako kasi mas naniniwala naman ako sa kanya,” aniya pa.

Ang asawa rin pala niya ang nagpi-picture kapag nagbabakasyon sila sa iba’t ibang lugar.

“It’s the greatest gift a husband can give you, to get a photo of you at your most beautiful moment in your life. So when I’m 50, I could look back at it. Wala pa akong nahanap na lalaki na ganon so sobrang thankful po ako sa kanya,” sambit pa ni Beauty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …