Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Pitong bagitong tulak, nalambat sa “tobats”

Hindi na pinayagan ng kapulisan na makapamayagpag pa ang pitong bagitong tulak at sunod-sunod na nila itong pinag-aaresto sa pinaigting pang operasyon sa Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, Provincial Director of Bulacan PPO, sa isinagawang drug sting operations ay nagbunga sa pagkaaresto ng pitong tulak at pagkakumpiska ng kabuuang PP 295,520 halaga ng shabu at marked money.
Ang unang operasyon ay ikinasa ng SJDM CPS sa Brgy. Graceville, SJDM City, Bulacan, na nagresulta sa pagkaaresto kay Sherwin Dela Cruz, 41 at pagkakumpiska ng PhP 272,000 halaga ng shabu, may timbang na 40 gramo at marked money.
Sa bayan ng San Rafael, ang anti-drug operatives ng San Rafael MPS ay naaresto si Rodrigo Dionisio alyas Dary, 54 at Napoleon Ligamzon alyas Jay-jay, 48, sa Brgy. Ulingao, kung saan anim na pakete ng shabu na halagang PhP 3,400 at marked money ang nakumpiska.

Bukod sa iligal na droga, habang kinakapkapan, si alyas Jayjay ay nakumpiskahan din ito ng isang Cal.38 revolver na kargado ng apat na bala.
Samantala, ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria, Bocaue at Hagonoy MPS ay naaresto si Marjay Espiritu, Reynaldo Gimeno, Edilberto Tuazon, at Rico Coronel matapos ang isinagawang drug trade.

Kabuuang PhP 23,120 halaga ng shabu at marked money ang nakumpiska ng mga operatiba sa mga bagitong tulak na hindi nila pinayagan pa na maging bigtime drug dealer.

Kaugnay nito, ang tracker teams ng Sta. Maria MPS, 1st at 2nd PMFC ay nadakip ang tatlong wanted na pugante na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa ipinatupad na warrant of arrest. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …