I-FLEX
ni Jun Nardo
GANADO si Ate Vi o Vilma Santos-Recto sa pag-post sa kanyang Instagram account ng mga ganap sa reunion movie nila ni Christopher de Leon sa Japan.
Titled When I Met You In Tokyo, naka-post sa IG ni Ate Vi na nagre-ready siya sa shoot habang nilalagayan ng make-up ng artist niyang si Deng Foz.
Ang movie with Boyet ang unang pumasa sa scripts na dumating kay Ate Vi. After this ay ang movie with direk Erik Matti naman ang gagawin niya at isa pa sa Star Cinema with Coco Martin.
Choosy sa story si Vilma kaya sa gustong makuha ang serbisyo niya bilang bida sa movie, ‘yung hindi pa niya nagagawang kuwento sa movie ang priority niya.