Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Wanted na rapist sa Bulacan nasakote

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago sa batas ng isang lalaki na may kinakaharap na kasong panggagahasa nang maaresto ito sa kanyang pinagtataguan sa Malolos City, Bulacan nitong nakaraang araw.

Ipinahayag ni Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pagkaaresto sa pugante na kinilalang si Albert Tizon, isang magsasaka mula sa San Rafael, Bulacan.

Ang akusado ay nakatala bilang Top 1 Most Wanted Person sa Provincial Level ng Bulacan at naaresto sa Brgy. Guinhawa, Malolos City kung saan siya nagtatago.

Si Tizon ay nadakip ng police team na pinangunahan ng Bulacan 1st PMFC sa pakikipagtulungan ng PNP AKG Luzon Field Unit, 301st MC RMFB3, Lalolos CPS at San Rafael MPS.

Siya ay dinakip batay sa warrant of arrest para sa krimeng Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa, na inilabas ng Family Court Br.4 ng Malolos City. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …