Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Show ni Willie Revillame sa GMA ibabalik 

REALITY BITES
ni Dominic Rea

SA isang resto ay nakita ko ang isang kaibigan from ABS-CBN. Identified siya noon pa man kay Willie Revillame. Kaya naman hindi ko maiwasang kamustahin sa kanya ang Wowowin host.

“Okey naman na siya. Actually, inaayos na ang pagpapa-release niya sa AMBS na hopefully ay matatapos na,” bulalas ng kausap kong kaibigan.

Naitanong ko rin sa kanya kung totoong sa kabila ng mga nasusulat na wala ng babalikang timeslot sa GMA si Willie ay ano naman ang totoo rito?

“Hindi ko pa masasabi. Oo nga eh. Dami nasulat. Pero ang alam ko, baka, baka lang ibabalik pa rin siya sa GMA. Feeling ko babalik siya,” aniyang muli.

Saganang akin lang, napakayaman na ni Willie. Ari-ariang materyal at pera, tiyak naman na wala ng mahihiling pa ang isang Willie Revillame. ‘IKa ko nga, why not iwanan na lang niya ang showbiz, takasan na ang stress sa showbiz at i-enjoy niya nalang ang kanyang yaman at alagaan ang mga anak at apo at i-enjoy ang buhay, ‘di ba?

“Actually, three years nalang ang alam kong ilalagi ni Kuyang sa showbiz. Pagkatapos niyan ay magre-retire na rin siya,” sambit pa ng akig kausap.

Naku! Tama lang. Kaso, alam ko rin ang pintig ng puso at pulso ng isang Willie Revillame na gusto niya talagang tumulong sa tao sa abot ng kanyang makakaya. ‘Yun ang mahirap niyang takasan. Nasa puso niya kasi. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …