Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Royce Cabrera EJ Jallorina

Pelikulang hango sa totoong buhay na catfishing kabilang sa 2 int’l filmfest

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPOS ang matagumpay na world premiere sa Slamdance Film Festival ngayong taon, ang dark comedy thriller na Marupok AF (Where is The Lie?), mula sa multi-awarded direktor, Quark Henares ay lalahok naman sa dalawang film festivals: Udine Far East Film Festival at LA Asian Pacific Film Festival. Mula sa produksiyon ng ANIMA Studios, ang Where is the Lie?  ay isang pelikulang tiyak pag-uusapan ng madla dahil sa husay ng pagkasulat at nakabibilib na pagtatanghal na nagsabuhay ng kontrobersiyal na viral post tungkol sa catfishing. 

Ang Udine Far East Film Festival na ginaganap tuwing taon ay sumusulong sa mga pelikulang Asya sa Europa. It ay gaganapin mula April 21 hanggang 29 sa Udine, Italy at kabibilangan ng magkakaibang seleksiyon ng mga pelikula mula sa buong kontinente. 

Ang Los Angeles Asian Pacific Film Festival naman ay gaganapin mula May 4 hanggang 13 bilang pagdiriwang ng mga pinakamahusay sa Asian Pacific cinema. Ang festival na ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking film festivals sa Southern California na kinatatampukan ng mahigit 5,000 na mga pelikula, video, at digital media na gawa ng Asian at Pacific Islander artists. 

Ang pelikulang Where is the Lie? ay pinagbibidahan ni EJ Jallorina na gaganap bilang si Janzen, ang tinalikdan ng pag-ibig sa pananiniwalang natagpuan na niya ang perfect match sa katauhan ng kaakit-akit at gwapong si Theo. Gayunman, biglang nagbago ang mga pangyayari nang i-ghost siya ni Theo sa araw ng kanilang pagkikita na nagdulot kay Janzen ng labis na pasakit sa harap ng kasinungalingan, panlilinlang, at catfishing na kanyang dinanas. 

Ang pelikula ay pinagbibidahan din ng Filipino actor na si Royce Cabrera bilang si Theo, at Filipino singer-actress Maris Racal bilang Beanie, ang sociopath na hango sa karakter ng mastermind sa likod ng isang tunay na viral story na naging national obsession sa Pilipinas noong 2020. 

Ang Where is the Lie? ay isang pelikulang magpapatawa, magpapaiyak, at susubok sa iyong tiwala at paniniwala sa lahat ng alam mo tungkol sa pag-ibig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …