Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

  Motornapper tiklo sa hot pursuit operation

MATAPOS ang maigsing tugisan ay naaresto ng pulisya ang isang lalaki na sapilitang tumangay sa motorsiklo ng isang residente sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay PLt.Colonel Ronaldo Lumactod Jr, hepe ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala ang suspek na si Wenceslao Reyes na matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng nasabing istasyon sa tulong ng ilang konsernadong mamamayan.

Napag-alamang ang insidente ay naganap nang ang motorsiklo ng biktima ay sapilitang tangayin ng suspek habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Minuyan III, SJDM City.

Pero kaagad natunugan ng mga operatiba ng SJDM CPS ang pangyayari kaya agad silang nagresponde hanggang nagkaroon ng maigsing tugisan na pati ilang mamamayan ay tumulong na rin.

Naging matagumpay naman ang mga awtoridad na maaresto ang suspek na nasukol sa isang lugar at marekober ang kinarnap na motorsiklo. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …