I-FLEX
ni Jun Nardo
HIRAP pa ring kumawala ang aktor na si JM de Guzman sa anino ng kanyang nakaraan.
“Ginagamit ko ‘yung mistake na ‘yon to create awareness sa mga ipinakikita ko sa buhay ko ngayon on how I deal with my problems, how I deal with my past.
“’Yung awareness na kaya mong labanan. Kaya mong makalampas to overpower ‘yung past na madilim,” saad ni JM sa mediacon ng Viva movie niyang Adik Sa ‘Yo.
Sa ngayon ay mahigpit ang kapit ni JM sa Diyos at ang support ng family and friends niya.
Kaya nang i-offer kay JM ang role sa Adik Sa ‘Yo na isang adik, naging challenge ‘yon sa kanya upang ipakita kung paano niya isasagawa ang character niyang pinagdaanan na niya.
Kasama rin sa movie ang na-link kay JM na si Meg Imperial pero ayon sa kanya, walang naging problema s kanila sa pagsasama sa trabaho.