I-FLEX
ni Jun Nardo
PATULOY pa ring naglalabas ng kinita ang entries sa Summer Metro Manila Film Festival ang MMFF Box Office sa Twitter account nito.
Naglabas ito ng unofficial and estimated single day box office gross ng Summer MMFF 2023 entries sa day 3 ng festival.
Narito ang kita sa Day 3–1. Here Comes The Groom–P2.7M (=); Yung Libro Sa Napanood Ko–P1.7M (=); 3. About Us But Not About Us–P690K (+1); 4. Apag-P560K (-1).
May disclaimer ang account ng: We are not affiliated with MMFF official. Binago naman ng MMFF ang kanilang account at nilagyan ng Official MMFF ang social media account nila upang pabulaanan na sa kanila galing ang lumabas na box office figures.
Sa entries, ang Here Comes The Groom ang malakas din ang hatak sa social media lalo na sa fans ng bidang sina Enchong Dee at Maris Racal.
Pero ayon sa among source, kaunti pa rin ang mga taong nanonood sa sinehan ng SMMFF. Hopefully, after ng Gabi ng Parangal eh makadagdag-hatak ito ng mga tao para panoorin sa sinehan ang lahat ng entries, huh!