Friday , November 22 2024
The Class of OPM

The Class of OPM concert nina Dulce, Rey, Marco, at Apo Hiking Society nakapila na ang part 2,3

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa man naisasagawa ang concert ng The Class of OPM concert nina Dulce, Rey Valera, Marco Sison, atApo Hiking Society sa May 3, 2023 sa The Theatre, Solaire na handog ng Echo Jham Entertainment Production heto’t may part 2 na pala ito.

Ayon sa direktor ng The Class of OPM na si Calvin Neria, ikinakasa na rin ang part 2 ng concert ng limang OPM Icons na magaganap sa November.

Nakatutuwa na ngayon pa lang ikinakasa na rin namin ang part 2 nitong ‘The Class of

OPM’,” masayang pagbabalita ni direk Calvin.

Ibinalita pa ni direk Calvin na ipapasok din niya sa mga susunod na pagtatanghal ang iba pang OPM Icons tulad nina Nonoy Zuniga, Basil Valdez, Hajji Alejandro.

Lahat ng OPM Icons idadagdag namin ng idadagdag. Pagkatapos ‘yung mga sumunod naman na generation sa kanila isasama rin namin.

“Parang tulad ng sa ‘We Are The World’ artists na nagsama-sama ang lahat. Kaya mahaba-habang concert ito,” paglalahad pa ni direk Calvin.

Ikinukuwento pa lamang ito sa amin ni direk Calvin kahapon ng hapon pagkatapos ng mediacon ay na-excite na kami. At looking forward kami sa mga magaganap sa May 3 ng one of a kind concert na magtatampok sa mga classic hit at greatest music  ng mga OPM greats na ang mga musika ay talaga namang masarap pakinggan mula noon at hanggang ngayon.

Nakaiintriga ring malaman kung ano ang nasa likod ng kanilang mga musika na minahal, kinagiliwan, at masasabing naging parte na ng ating buhay-buhay. Malalaman natin kung bakit nga ba nagiging emosyonal  si Dulce sa tuwing kakantahin ang Ako Ang Nagwagi, Ako Ang Nasawi? Ano naman ang inspirasyon ni Rey nang isulat niya ang Maging Sino Ka Man. Inlab ba si Marco nang irelease niya ang Si Aida, Si Lorna O Si Fe? At ang mga hit song ba ng Apo Hiking Society ay naimpluwensiyahan ng kani-kanilang personal experience?

Kasabay ng kanilang mga awitin ay ang pagbabahagi nila ng mga biggest lessons learned at greatest journeys experienced na na naging daan kung bakit nga ba sila

itinuring na legend.

Makakasama nina Dulce, Rey, Marco, Buboy, at Jim para magbigay ng kanilang mga sarili ring awitin ang mga talented guests na sina Andrea Gutierrez, Elisha, at VR Caballero.

Ang concert na ito ay isang fund-raising event ng Soroptimist International of the Americas Philippines Region for underprivileged girls and women.

Ang tiket ay mabibili sa Solaire Box Office at sa www.ticketworld.com.ph sa halagang P3,000 para sa SVIP, P2,000 para sa Patron, at P1,000 sa Balcony. Tumawag sa 09324049551 para sa ticket reservation.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …