I-FLEX
ni Jun Nardo
UMAAPELA ang ilang manonood kaugnay ng presyo ng ticket sa sinehan na gustong makapanood ng entries sa Summer Metro Manila Film Festival.
Hindi kasi pare-pareho ang presyo ng ticket sa sinehan gaya ng isang netizen na nag-shout out pa sa bida ng Here Comes The Groom na sina Enchong Dee at Maris Racal.
Eh dahil P500 ng presyo ng ticket sa isang sosyal na mall, pinangkain na lang daw niya ang ipanonood sana.
Pero may shout out ang netizen kina Enchong, Maris, Kaladkaren, at Awra Briguela na pa-Gcash sila kahit P50 pesos.
Aba, agad tumugon si Enchong sa panawagan ng netizen, huh! Aniya, “Ano ang qr code mo? Sana mapangiti ka namin today.”
O, bongga si Echong, huh! At least, concerned siya sa gustong manood ng Here Comes The Groom! Nakarating kaya? Hehehe!