Sunday , December 22 2024
Bong Revilla Beauty Gonzales Lani Mercado

Bong balik-telebisyon via Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAPAPANOOD muli sa telebisyon si Sen Bong Revilla dahil ikinakasa na ang pagbabalik niya sa pamamagitan ng remake ng action-comedy-romance na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Bale ito ang bagong project ni Bong sa GMA 7.

Ani Bong nang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian sa SuperSam sa Sct Tobias, excited na siya para sa kanyang project dahil matagal na ring nagtapos ang kanyang  Agimat ng Agila sa Kapuso Network.

Bagamat ayaw pang sabihin ni Bong kung sino ang makakatambal niya sa bagong programa, malakas naman ang tsikang si Beauty Gonzalez  ang makakasama niya. 

Samantala, inupakan ng senador ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang viral video na umikot sa social media, detalyadong ikinuwento ng isang pasaherong papunta sana sa Israel ang kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO) nang siya’y isailalim sa puro “walang-katuturan” na pagtatanong hanggang sa puwersahin itong i-produce ang kanyang school yearbook.

Kaya naman naiwan ang pasahero ng kanyang flight.  Ang masakit pa, kinailangang gumastos muli ang pasahero para magpa-rebook.

Ayon sa public servant, marami nang natatanggap na reklamo ang kanyang tanggapan ukol sa offloading nitong nakaraang taon pa at kanila nang iniimbestigahan ang isyu, hanggang sumambulat na nga ito.

“Tinitingnan na namin ito since last year, at ito na nga pumutok na. Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice inoffload despite our correspondence with BI,” kuwento ni Bong.

“Ang katwiran ng BI, iba raw ‘yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala raw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?” giit pa ng senador

Pinuna rin niya ang kasalukuyang polisiya ng BI sa pag-offload na ayon dito ay kung may marangal man na hangarin ay hindi kaaya-aya ang nagiging resulta, “Sa pagkakataong ito, it looks like the solution being implemented is worse than the problem.”

Ayon sa statement na inilabas ng BI, sa 32,404 na pasaherong kanilang inoffload noong 2022, 472 lamang ang may kaugnayan sa human trafficking, 873 ang umano’y nag-misrepresent sa kanila, at 10 ay mga menor-de-edad.

“Sa lagpas 30,000 na inoffload at inabala ng immigration, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakagagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” punto ng mambabatas.

“Over 95% talagang inabala at pinagastos lang. Ibig sabihin, isa lang sa bawat 20 inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan?,” paliwanag pa nito.

“Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance.

“Anong nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise.

“Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid iyang ‘di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!” sabi pa ng senador.

Naniniwala siya na harapang pagyurak sa constitutionally guaranteed right to travel ang ginagawa ng BI, at maaari pang pagyapak sa kapangyarihan ng mga Korte na mag-issue ng Hold Departure Orders (HDO) kung may batayan.

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-offload ng BI sa kabila ng mga patakarang inilatag sa Memorandum Circular No. 036, s. 2015 ng Department of Justice na nagtakda ng revised guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Passengers.

Ayon sa circular, “only when a tourist passenger is identified by the immigration officer to have doubtful purpose of travel, fraudulent, falsified or tampered travel documents, or identified as a potentially trafficked person may he/she be not cleared for departure or recommended for deferred departure and turned over to the Travel Control and Enforcement Unit.” At “[a]s much as practicable, secondary inspection shall not exceed 10 minutes unless extraordinary circumstances require a longer period of inspection.” 

“This is obviously being abused. Napakalaki ng latitude being given to these IOs. Sobrang broad ng authority at ng discretion. Daig pa nila mga consul sa pag-iissue ng visa,” sabi pa ni Bong.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …