Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

ALLTV management tikom ang bibig sa paglayas daw ni Willie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIBALITA ni Tita Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na na nag-resign na si Willie Revillame sa AllTV.

Anang batikang manunulat at host, ibinalita sa kanya ng kanyang source na sumulat na si Willie sa pamunan ng AllTV, ang AMBS2 para mag-resign.

Kaya naman agad namin itong tinanong sa AllTV management pero wala kaming natanggap na sagot mula sa kanila. Apat na kilala namin na may kaugnayan sa AllTV ang aming pinadalhan ng mensahe para makakuha ng statement ukol sa pinasabog na ito ni Tita Cristy pero seen zone lang kami.

Ayon pa kay Tita Cristy isa sa creative head ng ALLTV si Willie kaya napilitan itong umalis sa GMA 7 kahit napakaganda ng show nito roon.

Habang isinusulat namin ito’y wala pa rin kaming tugon na natatanggap ukol sa usaping ito. Pero bukas pa rin ang aming pahayagan sa anumang saloobin ng AllTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …