Friday , November 15 2024
MARINA PCG Coast Guard

MARINA, Coast Guard ano’ng ginagawa — solon

MATAPOS ang sunod-sunod na aksidente sa karagatan ng bansa, nagtatanong si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr., kung ano ang ginagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Maritime Industry Authority (MARINA), mga ahensiyang may kinalaman sa paglalayag ng mga barko.

Ayon kay Barzaga dapat may managot sa mga ahensiyang nabanggit.

“Have we not learned anything?” tanong ni Barzaga.

               “What is MARINA and the Philippine Coast Guard (PCG) doing now? Those who have been negligent should be held accountable for this accident because it could have been avoided if only they did their jobs.”

Umabot sa 29 pasahero ang namatay nang masunog ang MV Lady Mary Joy 3 noong Miyerkoles ng gabi sa karagatan ng Basilan.

Ang MV Lady Mary Joy 3 ay patungong Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City noong 29 Marso nang masunog bandang 10:40 pm.

Ani Barzaga, nararapat magpaliwanag ang Philippine Coast Guard at ang MARINA kung bakit nangyari ito kagaya ng mga nakaraang insidente.

Malinaw sa kaisipan ni Barzaga ang imbestigasyon ng House committee on transportation sa paglubog ng MV Princess of the Stars noong 2008 na 800 ang namatay.

Lumubog ang barko na pag-aari ng Sulpicio Lines noong 21 Hunyo 2008 sa San Fernando, Romblon sa kalakasan ng bagyong Frank.

“What is the Coast Guard doing? If there were so many passengers, did they not check if the vessel was overloaded? Secondly, is there already an action to stop the shipping line from operating its other ferries on account of this incident?” tanong ng kongresista ng Cavite.

Ayon kay Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan hindi tama ang manipesto ng barko kaya nahirapan silang magsagawa ng “search, rescue and retrieval operations.”

Ayon sa mayor, 205 pasahero lamang ang nakalista sa PCG ngunit umabot sa 195 ang nasagip at hindi pa kasama sa lista ang 29 namatay.

Binanggit ni Barzaga ang paglubog ng motor tanker (MT) Princess Empress noong 28 Pebrero sa Naujan, Oriental Mindoro ay sanhi ng pagkalat ng 800,000 litro ng industrial fuel.

“We haven’t even recovered yet from the oil spill incident and now, this happened. Here we go again,” ayon kay Barzaga na chairman ng House committee on natural resources. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …