Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Eisel Serrano

Carlo ‘nainlab’ sa isang baguhan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naman nahirapan si Carlo Aquino na magkaroon sila ng bonding at maging close ng leading lady niya sa pelikulang Love You Long Time, si Eisel Serrano, isa sa official entry sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival na handog ng Studio Three Sixty na si Eisel Serrano.

Ayon kay Carlo sa ginanap na mediacon sa Kamuning Bakery Cafe dahil noong 2021 pa nila ginawa ang pelikula, nagkaroon sila ng mahabang pagkakataon para magkakilanlang mabuti. “Lock-in kasi ang shooting that time dahil 2021 namin ginawa itong movie kaya marami kaming time to bond. Bago mag-shoot tambay, after ng shoot tambay,” anang aktor.

Ukol naman sa kung paano niya nabigyan ng guidance si Eisel, na ngayon lamang magbibida bagamat nakagawa at nakalabas na sa ilang mga pelikula, sinabi ni Carlo na, “marami namang nagga-guide kay Eisel that time si Ate Pat, si Chad, si direk JP. Hindi ko kasi alam kung nasusuportahan ko siya pero kung ano ang naibibgay ko, ibinibigay ko.”

Super puri naman si Eisel sa magaling na aktor. “Siyempre may mga tanong din ako sa kanya that time and super patient si Carlo kasi siyempre bago lang ako at may mga nauulit na scenes at marami silang sinasabi sa akin at minsan naguguluhan pero nakitaan ko siya ng patience. Hindi siya nagagalit, hindi siya nagre-react, walang attitude,” ani Eisel ukol sa pelikula nilang drama-romance.

Bago pa nabigyan ng launching movie, lumabas na sa ibang pelikula ang newbie leading lady. “Na-launch po kasi ako before pandemic happens right after so medyo limited pa po ang nagawa ko pero I’ve done four episodes of ‘MMK,’ ‘Anak ng Macho Dancer’ and ‘Kontrabida’ na hindi pa naipalalabas with Nora Aunor.”

Sinabi pa ni Eisel na nagulat talaga siya nang malamang si Carlo ang makakapareha niya. “To be honest po at first nagulat ako siyempre ang ine-expect ko iyong mga ka-level, mga ka-edad. iyong mga ka-batch. Hindi naman ganoon kalayo ang aming edad. Siyempre may intimidation po roon at kinakabahan kasi Carlo Aquino iyan. Pero when we were shooting na the movie hindi naman po iyon ipinakita ni Carlo iyon sa akin. Sobrang bait po at hindi ipinaramdaman na bago ako at matagal na siya, veteran na siya kaya hindi ko rin ine-expect na magkakatrabaho kami. Kaya hindi po ako nahirapan at naging maganda ang pagsasama namin sa pelikula.”

Ang Love You Long Time ay ukol sa young romance screenwriter na nakaranas ng kanyang biggest heartbreak kaya nagkulong at humiwalay sa mga tao hanggang may makilala at nainlab sa isang misteryosong lalaki na nakakausap niya sa telepono. 

Hatid ng Studio Three Sixty, ang Love You Long Time ay idinirehe ni JP Habac at isinulat ni Gena Tenaja.Palabas na at mapapanood sa mga sinehan simula Abril 8.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …