ni MARICRIS VALDEZ
TIYAK na marami ang magbubunyi sa muling pagsasama at pagtatrabaho ng itinuturing na icon ng Philippine showbiz industry, sina Christopher de Leon at Vilma Santos. May 20 pelikula na ang pinagsamahan ng dalawa na unang nagtambal noong 1970 hanggang 2000.
At ngayong 2023, magsasama muli ang dalawa sa pelikulang When I Met You in Tokyo.
Unang nagsama ang dalawang award-winning stars noong 1975 sa pelikula ni Celso Ad Castillo, ang Tag-Ulan sa Tag-Arawat ang huli ay ang Mano Po III: My Love noong 2004 na idinirehe ni Joel Lamangan.
“The last movie we did was ‘Mano Po.’ Matagal na, more than 15 years. And now, here we are with a beautiful movie. We’re ready to go to Japan. Almost 95% ay i-su-shoot sa Japan,” excited na pagbabahagi ni Boyet sa isinagawang mediacon noong Huwebes ng hapon sa Yawagari Restaurant ng Hotel Okura Manila.
“It’s good to be back after 6-7 years. My last movie was ‘Everything About Her.’ When this movie was offered to me, tinanong ko lang kung ano ang synopsis at kung sinong kasama. When they said si Christopher de Leon, yes agad ang sagot ko,” sambit naman ni Ate Vi nang makumusta kung ano ang napi-feel ngayong magsasama muli si ni Boyet.
Sinabi rin ni Ate Vi na nami-miss niya ang pakikipagtrabaho kay Boyet lalo’t maraming taon silang nagkasama ng mahusay na aktor. “Na-miss ko rin ang team-up namin ni Boyet. Alam ko, kahit paano, nandiyan pa rin ang crowd namin ni Boyet. Ang ganda kasi ng istorya. Ang istorya kasi tatakbo sa edad namin.
“It’s a love story na nasa edad namin. Hindi kami magbabata-bataan dito. It’s a good comeback sa akin. It’s a love story for all seasons. We’re very thankful sa trust,” anang Star for All Seasons.
Aminado rin si Ate Vi na naninibago siya sa muling pag-arte lalo’t matagal talaga siyang hindi umarte sa harap ng kamera at pinagtuunan ng pansin ang pagtulong sa kanyang mga constituent simula nang mahalal bilang gobernador at pagkaraan ay Congressman ng Batangas.
“Medyo matagal akong nawala sa industry, nakakapanibago. It’s a simple love story pero napakalalim. Malaking-malaking plus factor sa akin si Christopher de Leon. At kukunan pa sa Japan. Malaking factor ang visual sa Japan. Ang ganda-gandang makita at mapanood. Perfect timing talaga ito.
“Kahit almost seven years akong hindi nakagawa ng pelikula, wine-welcome pa rin ako with all the offers and blessings. This is going to be the start. And I feel so comfortable with Boyet.”
Sinabi pa ni Ate Vi na talang miss niya ang showbiz. “It’s just that we are very comfortable with each other. With Boyet, magsasalita pa lang o magda-dialogue siya in a scene, alam ko na agad. It’s just so comfortable. At para buhayin na rin ang natulog kong career. Na-miss ko ang movie industry.
“Alam niyo, hindi madali na mag-shoot ka ulit, haharap ka sa camera ulit. Kaya malaking tulong na comfortable ako kay Yetbo. Si Yebo rito ay associate director.”
Inamin pa ni Ate Vi na natanong niya sa sarili kung makakaarte pa ba siya dahil sa tagal na rin ng hindi niya pagharap sa kamera. “It’s not easy. Parang, ‘Makaka-arte pa ba ako?’ Pero dahil andiyan si Yetbo, matutulungan niya ako.”
Ang When I Met You in Tokyo ay isang romantic drama film na isu-shoot sa Japan at prodyus ng JG Productionsnina Ms Rowena Jamaji at Rajan Gidwani.
Makakasama nina Boyet at Vilma sa pelikula sina Cassy Legaspi at Darren Espanto at sa Sabado lilipad na sila patungong Japan.