SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BILANG paghahanda sa lalo pang paglaki ng kanilang kompanya, nakipag-partner ang Hey Pretty Skin ni Ms Anne Barretto sa Rising Era Dynasty Inc. ni Mr. Red Era para lalo pang mapalawig ang distribusyon ng kanilang produkto at mas maging ligtas at healthy ang mga sangkap na ginagamit sa kanilang produkto ng pampaganda.
Naganap ang announcement ng kanilang partnership noong Linggo, March 26, na dinaluhan ng mga staff, employees, at resellers ng dalawang kompanya. Naging bisita rin ng hapong iyon ang Kapuso aktres na si Kiray Celis na kaakibat o ka-affiliate sa Tiktok ng produkto ni Ms. Anne.
Ibinahagi ni Kiray kung gaano siya natulungan ng mga produkto ng Hey Pretty Skin para lalong maging super kutis artista at the same time ay kumita. ‘Ika nga ng magaling na komedyana, “kumikita na, gumaganda ka pa.”
Ayon kay Mr. Red, CEO ng Rising Era Dynasty o RED sila ang magsu-supply ng mga organic ingredient sa mga ipinagmamalaking produkto ng Hey Pretty Skin.
“Si RED po kasi ay naka-focus sa agriculture at ako naman po ay skin products. At napag-isipan namin na para ma-saturate talaga ang market, mag-collab kami para mas marami pang maabot na distributor at mas marami pang mai-offer and para lawakan pa namin ang business opportunity sa mga gusto pa naming i-offer sa mga distributor namin,” paliwanag ni Ms Anne.
Sa ngayon, katuwang din nila sa pagpapalaganap ng kanilang mga produkto at serbisyo ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez bilang kauna-unahan nilang celebrity brand ambassador. Ang paglulunsad sa kanilang bagong ambassador ay isasagawa sa April 14.
Ani Ms Anne kung bakit si Beauty ang kinuha nilang ambassador, “Unang-una hindi dahil sa cute ang name niya, related sa name ko, ‘hey Pretty, hey Beauty, parang nakatutuwa. Kasi si Ms Beauty aside sa una, kilala ko siya and second nako-cover din po niya ang market hindi lang ang mga kabataan and mga mommy na kagaya namin, lalo na ang RED community kasi mas malakas sa Mindanao and mas makare-relate ang mga tao kay Ms Beauty kasi ‘yung dialect mas mauunawan siya ng mga taga-roon.”
Sinabi pa ni Ms Anne na balak din nilang kumuha ng iba pang ambassador kapag mas lumaki at mas lumawak pa ang kanilang company pero aniya, naniniwala siya na maraming maitutulong si Beauty sa kanilang kompanya.
Naniniwala rin si Ms Anne na malaki ang naitutulong ng celebrity endorser dahil aniya, “sa credibility siyempre kapag alam naman namin na kapag artista kilala sila and mapagkakatiwalaan and I think the credibility ng artista kaya more on for me, mas nagta-trust ang tao kapag may celebrity endorser and nakadaragdag ng prestige ng company.”
Sa part naman ni Mr Red sinabi nitong, “makaaasa ang mga distributor and users na mas gaganda pa ang mga product namin at mas dadami at mas affordable at mas abot ng masa ang ating produkto. At sa part naman ng RED gusto naming mag-focus sa distribution para iyong mga nasa iba’t ibang luga rng Pilipinas tulad ng Mindanao, Visayas mas madali nating ma-cover at madali natin silang masuplayan ng ating products.”
Iginiit pa ni Mr Red na mas mura ang magpaganda sa Hey Pretty Skin. “Oo naman quality pa and even our ambassador we make sure na gusto niya ang product natin. We’re so happy na si Ms Beauty Gonzales likes our product when we talk to her from packaging to the quality of the products, she really loves it.”
Idinagdag pa ni Ms Anne na ilalagay ang mukha ni Beauty sa produkto nilang rejuvinating dahil, “Ito po ang pinaka-best seller na product and para mas makilala pa siya (rejuve product) kasi ‘yun ang hilig din ng tao and ‘yun din ang favorite product ni Beauty sa amin.”
May 18 aesthetic clinic branches mayroon ang Hey Pretty Skin sa ngayon at plano nilang makapagpatayo pa ng limang dagdag na clinic ngayong 2023 na itatayo pa nila sa Metro Manila gayundin sa Pampanga, Gen Santos City, Mindanao, Visayas. “Marami kasi kaming distributors sa Mindanao at Visayas kaya isa rin sa goal namin na aside ma-introduce ang product namin, mas maabot namin sila. And ang good news po niyan, kapag naging distributor po sila ng Hey Pretty Skin mayroon po silang discount na makukuha sa ating clinic.”
Samantala, gandang-ganda kaming mga dumalong entertainment press kay Ms Anne, ang CEO ng Hey Pretty Skin kaya natanong ito kung wala ba siyang balak mag-artista o wala bang nag-alok sa kanya na pasukin ang showbiz?
“Hindi po, hindi po ako magaling umarte. Mas focus po kasi ako sa business. Wala naman pong nag-offer sa akin na mag-artista at kung sakaling may mag-offer parang hindi ko po forte ang pag-arte, business po talaga. Pero kung mga guesting lang naman okey lang naman po,” natatawang sagot ni Ms Anne.