Sunday , December 22 2024
Coco Martin Brillante Mendoza Apag

Ending ng Apag ‘pinakialaman’ ni Coco — Hindi kasi ‘yun tatak Brillante

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Direk Brillante Mendoza na dalawang bersiyon ang ginawa niyang ending sa pelikulang Apag, isa sa mga entry sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 na mapapanood simula Abril 8.

Sa naganap na special celebrity screening and press preview ng Apag noong Martes, March 28, ipinaliwanag ni Direk Brillante na magkaiba ang ending na ipinalabas nila sa ibang bansa, sa Busan International Film Festival at dito sa atin para sa Summer MMFF.

Ibang bersiyon kasi ang ipinalabas ko sa ibang bansa (Busan), so of course medyo ramdam ko na iyong iba parang hindi nila naramdaman ang the usual na mayroong twist kasi ipinalabas ko sa abroad na maganda iyong ending, happy ending, heart warming. 

“Pero I was so surprised siyempre iyong mga tao abroad alam naman nila ang filmography ko, more or less kung ano ang ine-expect nila. Pero ito ang ikinatuwa ko,  sobrang natuwa ako bilang Filipino at bilang direktor kasi may mga Filipino sa Korea na nanood, matagal na sila sa Korea, roon sila nagtatrabaho and they really into film and watching films, sobrang natuwa sila dahil bilang Filipino raw for the first time may nakita silang ganoong movie during this time of pandemic. 

“Kasi ipinalabas ito last year pa. Matagal na naman natin, sinasabi ko sa kanila na noong ginagawa ko ito kaya siguro hindi ko naisip iyong epic na tulad nito (ending sa ‘Pinas) ayaw ko nang makadagdag pa sa negativity na nangyayari sa mundo, sa pandemic. And  somehow gusto ko naman na maganda ang maramdaman ng mga tao paglabas ng sinehan. 

“And they feel so proud and ako natuwa sa reaksiyon nila.

“Kaya lang siyempre ngayon medyo umookey na tayo sa pandemic kaya feeling ko ito na iyong opportunity na pwede mag-edit naman ng iba na same film pero iba iyong mararamdman mo kapag napanood mo,” mahabang paliwanag ni Direk Brillante sa kanyang pelikula.

Sinabi pa ni Direk Brillante na ang ending na mapapanood ng mga Pinoy simula Abril 8 ay iba ang bersiyon ayon na rin sa suhestiyon ng isa sa bida ng Apag, si Coco Martin. Hindi kasi nagustuhan ni Coco ang bersiyon ng ending na ipinalabas sa Busan. “Ang ending na ito (mapapanood sa Pinoy version) galing kay Coco. Kasi sabi niya, ‘bakit ganyan ang ending mo, masyadong mabait hindi ikaw ito? Kailangan lumabas pa rin ang ikaw, ganyan, ganyan. Kaya nag-suggest siya ng kakaibang ending, may twist.”

Paliwanag naman ni Coco sa ginawang ‘pakikialam’ sa ending, “Actually noong ginagawa namin ang film, maganda siya, maganda ang pelikula, maganda ang lahat ng character, maganda ang istroya. Pero ako as a tagahanga at manonood din ni direk Brillante, hinahanap ko ang tatak Brillante Mendoza. 

“Kasi sabi ko kapag sinabi mo agad na anong pelikula, sinong direktor? Brillante Mendoza? Tapos kapag pinanood mo siya hahanapin ko eh, hahanapin mo iyong tatak niya eh. Kaya sabi ko… actually nagbigay lang naman ako ng idea, sabi ko, ‘direk okey iyan, maganda ang film. Pero what if gawan natin ng second version.’ Tapos tanong niya, ‘ano?’ habang nagkukuwentuhan kami. Then sinabi ko na nga iyong suggestion ko. Ayun nagustuhan naman niya. 

“Siyempre noong ginagawa ito ni direk Brillante, ang mind set niya abroad, kasi alam naman namin na iba ang thinking kapag abroad lalo na ang European countries, iba ang panlasa nila pagdating sa pelikula, iyon ang nasa mindset namin. Kasi ang nakikita ko rito parang iyong tulad ng pelikulang ‘Parasite,’ ginulat tayo na ganoon. 

“At saka bakit tayo matatakot lalong-lalo na si Direk Brillante eh kilalang napakatapng niyang film maker. Bakit ka matatakot? At napakarami nang venue ngayon lalo na ang Netflix ‘di ba ang inaano (pinapanood) ngayon, iyong kakaiba? Ano iyong makaka-catch ng attention,” giit pa ni Coco.

Iginiit pa ni Coco na tagahanga siya ni direk Brillante at hinahanap niya ang tatak ng premyadong direktor

Ukol naman sa kung bakit tinanggap ni Coco ang Apag, sinabi nitong, naiiba ang pelikula sa ginagawa at nagawa na niya. “Iba rin ito sa mga soap operang ginagawa ko. Last MMFF noong December gumawa ako ng pelikula, romcom ang ginawa ko at bilang actor, gusto ko namang gumawa ng kakaiba. Ano iyong bagong putahe, ano iyong makakapag-come on sa akin para makabalik sa sinehan? Iyon ang hinahanap ko. 

“Kaya noong pinanonood ko itong pelikula namin masayang-masaya ako hindi dahil sa kung ano iyong collaboration namin ni direk Brillante kundi alam ko na iba naman iyong pelikulang mapapanood ko. Kasi kung iyong pelikula ang mapapanood ko ay mga pelikulang napanood ko noong December, naulit lang, sayang. Ngayon ang mga pelikulang kasali sa Summer MMFF malalalim, bago, kaya mas maganda. Iba iyong timpla noong December, iba iyong timpla ngayong Summer MMFF,” sambit pa ng aktor/director.

.

Kasama rin sa Apag bukod kay  Coco sina Jaclyn Jose, Shaina Magdayao, Lito Lapid, at Gladys Reyes. Isa ito sa official entry para sa Summer MMFF 2023, na mapapanood simula April 8-18, 2023. Hatid ng Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society. Produced and directed by Brillante Mendoza, written by Arianna Martinez.

Tampok din dito sina  Gina Pareño, Julio Diaz, Vince Rillon, Mark Lapid, at Joseph Marco.  

Nai-premiere na ang Apag sa BUSAN International Film Festival at nag-compete sa Warsaw International Film Festival, World Film Festival of Bangkok, Vesoul International Film Festival, at Asian Film Festival (South Korea) noong 2022-2023.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …