Sunday , December 22 2024

Direk Brillante ‘di inakalang sisikat si Coco

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Brillante Mendoza ang direktor ng Masahista noong 2005, ang pelikulang ito ang pinakaunang lead role ni Coco Martin na noon ay isang struggling male actor pa lamang.

Ngayon, superstar na si Coco.

Well siyempre masaya ako para sa kanya,” umpisang pahayag sa amin ni direk Brillante. Siyempre iba naman ‘yung ano niya at saka iba rin ‘yung success niya. 

Kumbaga roon sa choice niya, roon sa field na tinahak niya, hindi siya nabigo.

Naging successful siya.”

Never daw inakala ni Brillante noon na darating ang araw na magiging sikat na sikat na aktor si Coco.

Hindi, wala kaming mga ganoon, kahit siya nga wala, eh.”

Ikinagulat daw niya ang pagsikat nang husto ni Coco.

Oo kasi ‘di ba there was a point na parang sobrang ano na ‘yan, sobrang desperate. Mayroon pa kaming mga, ito nakatatawa, eh.

“Sabi niya, ‘Kasi ang itsura ko mukha kasi akong Sto. Niño, eh! Wala akong character.’

“Sabi niyang ganoon. ‘Ano kaya mag-ano ako,’ sabi niya, ‘maglagay ng scar.’

“Guguhitan daw niya ‘yung dito niya, sa malapit sa may ilong para magkasugat siya, para magkaroon ng scar ang mukha niya para magkaroon ng character. Parang kay Jake Cuenca, ‘yung ganoon.

“May mga ganoon siya noon. ‘Kasi parang wala akong dating,’ sabi niyang ganoon.”

At ngayon nga, the rest is history dahil parehong nasa rurok ng tagumpay sina Brillante at Coco bilang multi-awarded director and actor respectively.

At may reunion movie sila, ang Apag na entry sa unang Metro Manila Summer Film Festival na ipalalabas sa mga sinehan simula April 8.

Mula ito sa Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society at kay Brillante rin na co-producer ng pelikula.

Gaganap dito si Coco bilang si Rafael Tuazon.

Tampok din sa pelikula si Jaclyn Jose (na kasama rin noon sa Masahista) bilang Elise Tuazon; Gladys Reyes bilang Nita Balagtas; Mercedes Cabral bilang Chedeng Balagtas; at Sen Lito Lapid bilang si Alfredo Tuazon.

Nasa pelikula rin sina Julio Diaz at Ronwaldo Martin, with special participation of Shaina Magdayao, Joseph Marco, Vince Rillon, Mark Lapid and Ms. Gina Pareño.

Ginanap ang celebrity premiere ng Apag sa SM North Edsa Cinema 2 (The Block) Martes, March 28 na sponsored ng SM Cinemas at SM North Edsa ang event partner.

Nais ding pasalamatan ng produksiyon si Ms. Millie Dizon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …