Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Walang Ka-Paris AlEmpoy Alessandra De Rossi Empoy Marquez Sigrid Bernardo Dolly De Leon KZ Tandingan

Walang KaParis ng ALEmpoy magpapaiyak na naman?

PAHUPA na ang  epekto ng pandemya kaya naman nagbabalikan na ang paggawa ng mga pelikula, kasama na rito ang pagbabalik tambalan nina Alessandra De Rossi at Empoy Marquez sa Walang KaParis. Anim na taon bago nasundan ni Direk Sigrid Bernardo ang follow-up project ng kanyang box-office hit film na Kita Kita

Ang Walang KaParis ang latest Amazon Original movie na ipalalabas sa streaming platform na Prime Video at mahigit 240 na bansa at teritoryo ang sabay-sabay na makakapanood sa tambalang ALEmpoy simula Huwebes, Marso 23.

Hindi maitago ang walang kaparis na chemistry ng dalawa lalo’t si Direk Sigrid lang ang may K magdirehe sa kuwelang tambalan nila Alessandra at Empoy. 

Narito ang ilan sa mga kaabang-abang na trivia tungkol sa pelikula:

1. Nasubok sa drama ang kuwelang tambalan ng ALEmpoy

Walang duda ang husay ng dalawa sa komedya, pero sa drama? Mukhang masusubukan ang pag-acting ng ALEmpoy, lalo na si Empoy na hindi pa nakikitaan ng katiting  na husay sa drama. Pagkabasa pa lang ng script, tinawagan na ni Alessandra si Sigrid, “Direk, acting piece ito ha. Kaya ba ni Empoy?,” ang pabirong sabi ng aktres. 

2. Dolly De Leon, na-challenge bilang acting coach ni Empoy.

Humingi nga raw ng tulong si Direk Sigrid sa Golden Globe at BAFTA Supporting Actress nominee na si Dolly De Leon para mailabas ang galing sa drama ni Empoy. Natatangi rin ang partisipasyon ni Dolly sa pelikula na parehong kinunan sa Paris at Baguio.

3. Direk Sigrid, pinili ang mga pasikot-sikot sa Paris bilang location.

Kakaibang Paris nga ang ipakikita ng pelikula dahil iniwasan ng direktor ang mga lugar na kadalasa’y ibinibida ng Paris, France. Pagbabahagi ni Direk Sigrid, ilang beses na rin siya nakapunta roon at marami siyang kaibigang naninirahan sa Paris, kaya naman alam na niya ang mga pasikot-sikot at lugar na hindi malimit puntahan ng mga turista.

4. KZ Tandingan ire-revive ang Walang Kapalit ni Rey Valera.

Matapos ang hindi malilimutang pag-awit ng Two Less Lonely Peoplesa Kita Kita, magbabalik-theme song si KZ at sa panibagong areglo ng klasik hit ni Rey Valera na Walang Kapalit.

5. Direk Sigrid, sa ALEmpoy lang nakakakapagdirehe ng love team.

Hindi man sinasadya, sinabi nga ng direktor na tanging sina Alessandra at Empoy lang ang nakakapagpagawa sa kanya ng love team na pelikula dahil karamihan sa mga pelikula niya ay thriller o drama. Hindi naman matatawaran na si Direk Sigrid lang talaga ang nakapagpatunay na pang-box office rin pala ang tambalan ng dalawa.

Mapapanood ng buong mundo ang Walang KaParis simula Huwebes, Marso 23, sa Prime Video. Palabas na rin ang Kita Kita sa  streaming platform, kasama ng libo-libong palabas at pelikula sa halagang PHP149 kada buwan. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …