Sunday , December 22 2024
Nikko Natividad Wilbert Ross Andrew Muhlach Mikoy Morales Vitto Marquez

Wilbert, Andrew, Mikoy, Vitto muntik malagay sa alanganin
NIKKO NAPIKON, NAGSUMBONG SA VIVA MANAGEMENT

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GUSTONG-GUSTO na pala talagang pagsusuntukin ni Nikko Natividad sina Wilbert Ross, Andrew Muhlach, Mikoy Morales, at Vitto Marquez dahil napikon siya sa pambu-bully ng mga ito sa kanya.

Pinagkaisahan daw kasi siya ng apat sa shooting ng kanilang pelikulang Working Boys 2: Choose Your Papa ng Viva Films kaya naman talagang napikon, nagalit, at na-badtrip siya sa mga ito.

Subalit prank lang pala ang lahat na noong una’y paniwalang-paniwala siya kaya naman naisip talaga niyang suntukin,  itaob ang lamesa at ang pinakamatindi, nagsumbong talaga siya sa Viva at sa kanyang manager.

Natatawang kuwento ni Nikko sa media conference ng Working Boys 2, part 2 ng  Working Boys noon ng iconic trio na Tito, Vic & Joey, napakagaling na mga artista ng mga nag-prank sa kanya dahil napaniwala siya ng mga ito. Katunayan, ito na raw ang pinakamatinding prank na ginawa sa kanya.

Nag-umpisa ang lahat nang idagdag lang siya sa pelikula, kumbaga, isiningit, inihabol dahil dahil kapipirma pa lang niya ng kontrata sa Viva noon.

Ginawang isyu pa ng mga kasama niya sa pelikula ang pagkakaroon niya lagi ng “plus one” sa shooting (personal driver) samantalang sila raw ay wala.

Anang apat niyang co-stars, masyadong pa-VIP at pa-star si Nikko. 

Agad namang dumipensa rito si Nikko at sinabing galing siya sa isang commitment kaya mayroon siyang driver.

“Nasabi ko talaga na ang bababa kasi ng followers n’yo (sa social media). ‘Yun pala tumatawa na sila kapag nakatalikod ako. (Ilang milyon na raw kasi ang followers niya sa IG).

“Ang tagal po kasi ng prank na ‘yun. Nagsumbong na ako sa manager ko, sa Viva, pero kasabwat pala sila. Napikon po talaga ako pero roon ko napatunayan na mahaba pala ang pasensiya ko.

“Sa isip ko kasi pinagsusuntok ko na sila, tinataob ko na ang mesa kasi pinagtutulungan nila ako, pero nang i-reveal nila na prank lang ito, totoo pala ‘yung mga prank na hindi siya magsi-sink in.

“Kasi niyayakap na nila ako hindi pa rin ako kumikibo, parang galit pa rin ako,” nangingiting kuwento pa ng aktor.

Nasabi pa nga sa sarili Nikko na tila kinalimutan na nina Wilbert at Vitto ang magandang pinagsamahan nila sa Hashtags. Na-feel niya raw na parang nag-transfer siya sa ibang school at nabiktima ng mga bully.

After naman na magpaliwanagan ay naging maayos na sila kaya heto, masayang-masaya sila na natapos na ang pelikula nila na mapapanood na sa March 29 sa mga sinehan.

Ang kuwento ay ukol sa mga tamad at batugang mga binata na kailangang harapin ang hirap at realidad ng buhay.

Ang limang lalaking iba’t iba ang trip sa buhay ay sina Biboy (Wilbert), Mccoy (Mikoy), Roy (Vitto), Nikki (Nikko Natividad), at Max (Andrew Muhlach). Sila ay mga certified tamad at walang direksiyon kung anong gusto nilang marating sa buhay. Sa kagustuhan nila ng pagbabago, maghahanap sila ng trabaho pero mauuwi rin ito sa bulilyaso na magdadala ng mga bagong problema at ng bagong kaaway, si BJ (Bob Jbeili).

Kahit na madalas ay nagkakamali sa maraming bagay, may “never say die” attitude ang magkakaibigan at hindi magdadalawang isip na gawin ang kahit na ano para sa kaibigan at pamilya.

Magtutulungan silang lima at makakaisip at makagagawa ng plano na pwedeng magbago ng buhay nila. Dito na papasok ang bagong app na maiimbenta nila – ang PAPA APPS. Ito na ba ang bagong simula at breakthrough na hinihintay nilang lahat?

Maghanda sa isang roller coaster ride na adventure. Samahan sila sa bawat ups, downs at saya ng buhay, at panoorin ang limang binatilyong ito na maging ganap na mga lalaki.

Ang comedy movie na ito ay ibinase sa 1985 movie na pinagbidahan ng tatlong certified pillars ng Filipino comedy industry, ang iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Kasama rin sa movie ang “bayani” ng Pinoy Comedy na si Bayani Agbayani, at sina Angela Morena, Debbie Garcia, Lea Jane, Angelic Guzman, Divine Aucina, Marissa Sanchez, at Juliana Parizcova Segovia.

Mula sa Viva Films, ang Working Boys 2: Choose Your Papa ay idinirehe ni Paolo O’Hara at ang una niyang full-length mainstream movie. Showing na ito sa mga sinehan sa March 29.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …