Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Kira Balinger Maple Leaf Dreams

LA at Kira bida na sa pelikula 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa natuwa nang mabalitaang magbibida na sa pelikula si LA Santos kapareha si Kira Balinger. Ito’y sa handog ng Lonewolf Films, ang Maple Leaf Dreams. 

Isa sa pangarap ni LA ang makapagbida kaya naman hindi niya kinakalimutan ang mga payo sa kanya ng mga nakasama niya sa mga teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin at Darna na pagbutihan at ‘wag kalimutan kung bakit niya ginagawa ang pag-arte. 

Nagbunga na nga ang pagpupursige ni LA dahil bida na siya sa  Maple Leaf Dreams na ididirehe ni Benedict na siyang may-ari ng Lonewolf Films. Ang pelikulang ito ay maisasakatuparan sa pakikipagtulungan ng JRB Creative Production at ng Star Magic.

Ayon kay Direk Benedict, kukunan sa isang lugar sa Canada ang pelikula na ang kuwento ay ukol sa magdyowang Molly at Macky na makikipagsapalaran sa  Canada para mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.

Ayon kay LA, napaiyak siya nang ialok sa kanya ang pelikula na magsisilbing launching movie ng tambalan nila ni Kira na unang sinubaybayan, minahal, at sinuportahan sa  Darna ng ABS-CBN.

“Kabado at excited at the same time. Alam ko na maganda ang kalalabasan nito dahil si Direk Beni po ang bahala,” emosyonal na paglalahad ni LA.

Sinabi pa ni LA na tiyak na maraming Pinoy ang makare-relate sa movie nila ni Kira dahil napakarami nang kababayan natin ang mas piniling maging OFW kaysa magtrabaho sa Pilipinas.

Nakare-relate naman si Kira sa karakter niyang si Molly dahil sa determinasyon at tapang na gawin ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Through this movie maipakikita po namin ‘yung mga OFW. Ang trabaho po nila, ‘yun lang ang nakikita ng mga tao.

“Pero with this movie, ipakikita po namin ‘yung struggles, what happens behind closed doors, ‘yung talagang struggle from the bottom and how you work your way up,” sambit pa ni Kira.

“Hindi lang ‘yung pain of being away, of being alone ng mga OFW ang ilalahad natin dito but also how they keep their love alive. This is actually a passion project for me because ang wife and son ko ay nandoon sa Canada. So it’s very personal also and I know a lot of you nahihirapan dito,” dagdag pa ni Direk Benedict.

Ang Maple Leaf Dreams ay isinulat ni Hanna Cruz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …