Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross, Mikoy Morales Vitto Marquez Andrew Muhlach Nikko Natividad

TVJ tatapatan nina Wilbert, Mikoy, Vitto, Andrew, at Nikko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Direk Paolo O’Hara na ibinase lamang ang kanilang pelikulang Working Boys 2: Choose Your Papasa 1985 movie ng tatlong certified pillar ng Filipino comedy industry, ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o mas kilala bilang TVJ. 

Sa mediacon na isinagawa kahapon ng tanghali sa Botejyu Vertis North, ipinaliwanag  ng direktor na, “Kami ni Randy iyong writer mayroon siyang concept mayroon din ako. Then noong ibinato namin ‘yung concept pareho kay Boss Vic (del Rosario) sinabi niya bakit hindi na lang namin gawin ang ‘Working Boys’ tutal pasok naman. 

“Doon na pumsok ‘yung ‘Working Boys 2: Choose Your Papa.’ 

“It’s actually two concept merged into one. Tapos naisip namin na since ganoon gawin na lang namin na inspired by a TVJ’s ‘Working Boys.’ And then nagpa-audition kami para sa mga isasamang cast,” dagdag na paliwanag pa ni direk Paolo.

At sa pagsasama ng limang bidang sina Wilbert Ross, Mikoy Morales, Vitto Marquez, Andrew, Muhlach, at Nikko Natividad, ano ang aasahan sa mga ito, ano kundi rito at katatawan tiya

Kilalanin ang limang working boys na patatawanin at paiibigin ka. Abangan ang Working Boys 2: Choose Your Papa sa mga sinehan sa March 29, 2023.

Kilalanin sina Biboy (Wilbert), Mccoy (Mikoy), Roy (Vitto), Nikki (Nikko), at Max (Andrew), ay mga certified tamad at walang direksiyon kung anong gusto nilang marating sa buhay. Sa kagustuhan nila ng pagbabago, maghahanap sila ng trabaho pero mauuwi rin ito sa bulilyaso na magdadala ng mga bagong problema at ng bagong kaaway, si BJ (Bob Jbeili).

Kahit na madalas ay nagkakamali sa maraming bagay, may “never say die” attitude ang magkakaibigan at hindi magdadalawang isip na gawin ang kahit na ano para sa kaibigan at pamilya. Magtutulungan silang lima at makakaisip at makagagawa ng plano na pwedeng magbago ng buhay nila. Rito na papasok ang bagong app na maiimbenta nila – ang PAPA APPS. Ito na ba ang bagong simula at breakthrough na hinihintay nilang lahat?

Kaya mag-ready sa isang roller coaster ride na adventure. Samahan sila sa bawat ups, downs at saya ng buhay, at panoorin ang limang binatilyong ito na maging ganap na mga lalaki.

Kasama rin sa Working Boys 2: Choose Your Papa sina Bayani AgbayaniAngela Morena, Debbie Garcia, Lea Jane, Angelic Guzman, Divine Aucina, Marissa Sanchez, at Juliana Parizcova Segovia.

Mula sa Viva Films, ang Working Boys 2: Choose Your Papa ay mula sa direksiyon ni Paolo O’Hara at ang una niyang full-length mainstream movie. Samahan ang kuwelang barkada at mapa- laugh out loud kasama nila.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …