Sunday , December 22 2024
Bela Padilla Lorna Tolentino Yoo Min-gon

Bela mas feel ang pagiging aktres, sobrang kinabahan kay LT

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IKALAWANG pelikula  na naidirehe ni Bela Padilla ang Yung Libro Sa Napanood Ko ng Viva Filmsang una ay ang 366 pero mas feel niya ang pagiging aktres kaysa pagiging direktor.

Dagdag pa na mas nahirapan siya rito sa ikalawang pelikulang idinirehe niya na kasama sina Lorna Tolentino at ang Korean actor na si Yoo Min-gon.

Katwiran ng aktres/direktor,“Mas mahirap itong second movie. Kasi noong first, I had Direk Irene [Villamor] with me sa set as my creative director.

“Ngayon, wala na akong bantay. Ako na lang ‘yung creative director. So, it was my first time na ang feeling ko talaga, parang I was responsible for everyone,” paliwanag ni Bela. 

“And the difference also is we shot majority of the movie in [South] Korea, 70 percent of the film. Siyempre, nakikisama ka rin sa bagong members ng staff ng production na hindi ko pa nakakatrabaho before.

“There was also a language barrier. Pero I’m so grateful kasi lahat ng mga nakatrabaho ko, kahit sa [South] Korea, sobrang madali. Hindi kami binigyan ng sakit ng ulo. Sobrang smooth ng naging transition namin from Philippine shoot to [South] Korea shoot,” paglalahad pa ng aktres.

“Ang laking factor na lahat ng actors on set knew their characters so well. ‘Yung pressure was lifted off my shoulder,” dagdag pa ni Bela.

Inamin din ni Bela na sobra-sobra ang kaba niya dahil isang magaling na aktres ang kanyang idinirehe sa pelikulang official entry ng Viva Films sa first Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa April 8, 2023 at matatapos sa April 18.

“Ako, hanggang ngayon, kinakausap ko si Ms. LT even before naming mag-shoot, pero iba siyempre ‘yung nasa set na kayo.

“Hindi ko ipinahahalata pero kabang-kaba ako kapag nasa set si Ms. LT kasi gusto kong maging professional, pero pinadali po niya ang buhay ko,” masayang sabi ni Bela pa ni Bela sa isinagawang mediacon ng Yung Libro Sa Napanood Ko sa Botejyu Estancia. 

Naikuwento rin ni Bela kung paano pinadadali ni LT ang kanyang trabaho bilang direktor. 

Ani Bela kailangang umiiyak ni LT sa isang eksena kaya tinanong niya ito kung kailangan pa moment o music. Pero ang isinagot nito,‘Hindi. Okay lang.’

“Pag-action, tumulo agad ‘yung luha niya, samantalang everyone is so well-prepared at talagang magagaling,”bilib na bilib na kuwento ni Bela ukol kay LT.

Samantala, naisulat ni Bela ang script ng Yung Libro Sa Napanood Ko bago pa mag-pandemic.

“I watched a K-drama called  ‘Because This Is My First Life.’ It was so uplifting. It had no kontrabida.

“Likewise, it was very easy to watch. I said to myself I wanted to do something based on this K-drama with no contravida but addresses mental health issues,” anang aktres.

Ang istorya ng pelikula ay iikot sa librong nakita  na napanood sa Korean drama, na na-inspire si Lisa (Bela) na magsulat ng libro at naging isang published writer. Habang nasa book signing event, magkakaroon siya at ang Koreanong si Kim Gun Hoo (Yoo Min-gon) ng meet-cute moment matapos magpa-autograph ni Gun Hoo at magpakita ng interes sa kanya.

Gagawan ng paraan ni Gun Hoo na magkita ulit sila ni Lisa, at ngayon ay niyaya niya itong sumama sa kanya at bumisita sa South Korea. Kahit na nagdadalawang isip nung una, pumayag din si Lisa at sumama sa kanya.

Mag-iikot at gagala sila sa Korea at bibisitahin ang mga lugar na dati ay sa mga libro lang nababasa ni Lisa at napapanood sa TV at pelikula.

Mae-experience na kaya ni Lisa ang love story na akala niya ay sa mga pahina lang ng libro at sa mga palabas lang makikita?

Kasama rin sa romance-drama movie na ito sina Boboy Garrovillo, Hasna Cabral, Lee Suya, Malena Leonard, Goda Choi, Carole Dorothy Bowlby, Kim Jin Mok, Raul Montesa with special participation of Boy Abunda.

Mula sa Viva Films, panoorin ang Yung Libro Sa Napanood Ko sa mga sinehan nationwide simula sa April 8, sa direksiyon din ni Bela Padilla.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …