Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryza Cenon Joseph Marco Natalie Hart

Mainlab, matawa, masaktan sa Kunwari…Mahal Kita

MALINIS, maganda ang pagkakagawa ng bagong pelikulang handog ng Viva Films ang Kunwari…Mahal Kita na pinagbibidahan nina Ryza CenonJoseph Marco, at Natalie Hart.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Kunwari..Mahal Kita na idinirehe ni Roderick Lindayag.

Si Joseph si Greg Soriano, isang lalaking tumakas sa La Union matapos malaman na nais na ng asawang si Cindy Soriano (Natalie) na makipaghiwalay sa kanya.  Si Ryza naman si  Heidi “Hydes” Bolisay na nagtatrabaho sa resort na tinutuluyan ni Greg.

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ng dalawa kaya naman sa takot na siya ay matanggal sa trabaho, pumayag si Hydes na maging tour guide ni Greg. At dahil  madalas magkasama hindi sinasadyang na-develop pareho sina Greg at Hydes.

Dito naman mare-realize ni Cindy na maha pa rin niya ang asawang si Greg kaya naman susundan niya sa La Union ang asawa. At dito na magkakaroon ng conflict. 

Kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, Thou Reyes, Josh Colet, Eslove Briones, Charlize Paras, at Jerico Zuñiga.

Hindi na bago ang istorya ng Kunwari…Mahal Kita subalit maganda pa ring nailatag ni direk Roderick na hinaluan ng komedya ni Thou. Kapuri-puri ang galing ni  Thou kaya naman sa bawat bitaw nito ng dialogue, tumatawa ang audience. Kumbaga eh, klik na klik ang pagiging komikero niya sa pelikula.

May kanya-kanyang moment din ang tatlong bida na ipakita ang galing nila sa drama. Bagay kay Ryza ang pagiging tour guide gayundin si Nathalie bilang career-oriented wife ni Joseph. Na sa pagiging workaholic sobrang na-disappoint sa asawang artist at nasa bahay lang.

Umakma rin ang awitin ni Ogie Alcasid sa pelikula, ang Ikaw Sana.

Ang Kunwari…Mahal Kita ay isang pelikulang masarap panoorin kung gusto mong mag-relax, tumawa, mag-enjoy. Kaya watch na sa mga sinehan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …