Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Camille Prats Boy Abunda

Camile masaya pa rin ang childhood kahit maagang napasok sa showbiz

BAGAMAT maagang napasok sa showbiz si Camille Prats hindi naman siya pinagkaitan ng msayang kabataan.

Ito ang iginiit ni Camille sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Ani Camille bagamat maaga siyang pumasok sa showbiz nagkaroon pa rin siya ng masayang childhood.

“Alam mo Tito Boy noong bata ako palagi kong naririnig ‘yun sa mga tao around me, especially sa may mga edad na ‘Kawawa ka naman kasi ang bata bata mo pa nagtatrabaho ka na. Hindi normal ang childhood mo. That’s what I would normally hear from people,” ani Camille nang matanong ni Kuya Boy kung pakiramdam niya ay pinagkaitan ba siya ng kabataan lalo’t maaga siyang namulat sa pagtatrabaho.

Grateful din siya ani Camille sa mga karanasan niya sa showbiz.

“But to be honest Tito Boy, I had a very unique childhood. Totoo ‘yon na hindi ko man naranasan ‘yung kung ano ba ‘yung normal na childhood para sa karamihan, but I would like to think na ‘yung buhay na ibinigay sa akin ng Diyos is the life He really wanted for me,” anang kapatid ni John Prats.

Itinuturing din ni Camille na blessing ang pagiging artista dahil bata pa man ay gustong-gusto na niyang mag-artista. Kaya nga sinubok niya ang kanyang suwerte   sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga na nagbukas ng pintuan para matupad ang pangarap.

“Hindi siya kapareho ng iba, unique siya, but I had so much fun. I loved what I was doing, even until now I’m so grateful to be in the business for 30 years,” sambit pa ni Camille. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …