Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Nora Aunor Jaclyn Jose Gina Alajar Adolf Alix Jr

Alfred itinuturing na malaking karangalan pakikipagtrabaho kina Nora, Jaclyn, at Gina

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ng konsehal/aktor na si Alfred Vargas dahil nakatrabaho niya ang mga tinitingala at iginagalang na aktor sa bansa sa ipinrodyus niyang Pieta.

Ani Alfred malapit nang matapos ang Pieta at ilang araw na lang ang natitirang shooting days.

Very thankful si Alfred na nakatrabaho niya ang tulad nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Gina Alajar.

Nag-post si Alfred ng picture niya kasama ang mga co-star sa pelikulang Pieta na sina Ate Guy, Jaclyn, at Gina. Sa caption ay sinabi ng aktor ang kanyang pasasalamat.

This might be one of the most iconic photos that I’ll ever be a part of.

To be seated alongside three titans of Philippine Cinema … to be performing with them in PIETA… is a life’s honor.

“Pangarap ito ng bawat artistang Pilipino. Pangarap ko ito kahit ako ay baguhan pa lamang noon. Natupad na ngayon! Thank you, Lord!” pahayag ni Alfred.

“I just feel so happy & blessed to be a part of the #PIETAmovie —a film that brings together National Artist & Superstar Nora Aunor @noravillamayor67 & our multiple best actress awardees in both local and international cinema, Ms @ginalajar & Ms @jaclynjose.”

Nagpasalamat din si Alfred sa kanilang direktor na si Adolf Alix Jr. Anito,  “Thank you, Direk @aalixjr, for giving flesh to our vision! Thanks for putting this together!”

Angistorya ng Pieta ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …