Monday , December 23 2024
Tito Sotto Korina Sanchez Eat Bulaga

Tito Sen tiniyak: Eat Bulaga is here to stay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINIGURO ni Senador Tito Sotto na mananatili silang tatlo nina Vic Sotto at Joey de Leon sa Eat Bulagagayundin ang kanilang noontime show sa GMA 7. 

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Tito Sen nang mag-guest siya kay Korina Sanchez sa show nitong Korina Interviews sa NET25.

Ani Tito Sen,  “We’re there, ‘Eat Bulaga’ is there, Tito, Vic, & Joey,” nang matanong ni Korina tungkol sa tunay na estado ng kanilang noontime show.

“Siguro, ‘yung mga lumalabas na kuwento at kung ano-ano, hindi ko na ia-address dahil kung ano-ano na ‘yung lumabas, eh.

“Perhaps the important thing to say is, ‘Eat Bulaga’ is here to stay and we’re there to stay,”  paniniyak ni Tito Sen sa lahat ng Dabarkads.

O ayan tinuldukan na ni Tito Sen ang mga balitang naglalabasan na mawawala silang tatlo sa kanilang show na Eat Bulaga. At siguro naman ay matatapos na ang usapin na tatanggalin ang TVJ gayundin ang ilan pa nilang co-hosts at papalitan ang titulo ng Eat Bulaga.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang fans ni Alden Richards nang mapanood siya muli noong Sabado sa Eat Bulaga. Naging emosyonal nga ang aktor nang muli siyang  tumuntong sa EB stage. 

Sa mga hindi nakakasubaybay sa Eat Bulaga, ilang buwang hindi napanood si Alden sa noontime show dahil sa sunod-sunod niyang projects sa GMA 7.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …