Monday , December 23 2024
Maja Salvador Joey de Leon

Maja  nasaktan nga ba sa biro ni Joey ukol sa prangkisa?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SPEAKING of Eat Bulaga, marami ang nakapansin na tila hindi nagustuhan ni Maja Salvador ang ginawang pagbibiro ni Joey de Leon sa Bawal Judgmental segment nila noong March 8.

Sa nasabing episode ng Bawal Judgmental, napag-usapan ang ukol sa historical franchise ng Miss International Queen pageant na naging kandidata ang mga choice  na professional Trans Beauty Queens.

Sinabi rito ng CEO at National Director ng Miss International Queen Philippines na sila ang may kauna-unahang prangkisa sa naturang pageant para sa mga transgender.

At dito na nasabi ni Joey na,  “Buti pa kayo may prangkisa.” 

Bagamat marami ang natawa sa sinabing ito ni Joey, may mga netizen ang nakapansin na tila nasaktan ang isa sa host ng EB na dating Kapamilya, si Maja.  

Bagamat wala namang sinabi ang aktres ukol dito, maraming netizens ang nag-react at nam-bash sa veteran TV host-comedian. 

Ilan sa mga reaksiyon ng netizens ay: “Hindi ginagawang biro o katatawanan ang pagkawala ng trabaho ng 11,000 empleyado. Ang pagkawala ng prangkisa ay pagkawala din ng hanapbuhay.”

“Naawa Naman ako para Kay Maja at sa mga nawalan ng trabaho na Hindi pa nakakakita ng bagong trabaho.”

“Ang bait ni Maja kahit na dabarkads na Siya iniisip niya parin mga kapamilya pinapakita niya parin pagiging loyal niya at pag tanaw niya nang utang na loob.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …